Tuesday , May 13 2025
bagman money

P10.16-T utang ng PH (Bawat P10 gastos, higit sa piso bayad utang)

WALANG patumanggang pangungutang ang ginagawa ng rehimeng Duterte kaya aabot na sa P10.16 trilyon ang utang ng Filipinas sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.

Sinabi ito sa kalatas ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Plano umanong gumasta ng rehimeng Duterte ng P531.1 bilyon para pambayad sa interes ng mga pagkakautang ng bansa katumbas ng 12% ng panukalang P4.5 trilyong pambansang budget para sa susunod na taon.

Nangangahulugan umano ito na sa bawat sampung pisong gagastusin ng gobyerno ay mahigit piso ang mapupunta sa pambayad sa utang.

“The average loan interest rate is also set to increase from 2.5-3.5% this year to 3-4.5% next year,” saad sa kalatas.

Mula noong 2017 ay naglaan ang rehimeng Duterte ng P3.25 trilyon pambayad sa utang at 47% nito’y para sa interes lamang.

“To impress foreign banks, Finance Sec. Carlos Dominguez repeatedly boasted that the Philippines will never stop paying debt even amid the pandemic. During the first half of the year, the regime spent about ₱547.3 billion in debt payments while the people were hungry and jobless. Around 34% of the said amount was spent for interest payments.”

Anang CPP, obligado ang gobyerno na isama ang malaking halagang pambayad sa pambansang budget dahil alinsunod ito sa Automatic Appropriations Law na nagsasaad na dapat maging prayoridad ang paglalaan ng pondong pambayad sa utang kaysa “government’s essential operations, capital expenditures and programs.”

Ang Filipinas lang umano ang may naturang klase ng batas na ipinasa noong rehimeng Cory Aquino na nangakong babayaran ang lahat ng inutang at dinambong ng mga Marcos hanggang sa huling sentimo.

Bunsod anila sa malalang kakulangan sa budget, ang reaksiyonaryong estado ay madalas tinitipid ang pondo para sa mga batayang serbisyong panlipunan.

“With its overreliance on loans to provide a band-aid solution to the ballooning budget deficit, the regime is dying to comply with all the recommendations imposed by imperialist banks and financial institutions,” pahayag ng CPP.

Sa kasalukuyan, anang CPP, minamadali ng rehimen ang pagpataw ng buwis sa mga batayang pagkain gaya ng tuyo at instant noodles, maging digital platforms tulad ng Netflix, Facebook, Twitter, at iba pa.

Obligado na rin anilang magbayad ng buwis ang maliliit na online entrepreneurs.

Hindi bago kay Duterte ang naturang “policy reforms” dahil bago pa ang pandemya ay sinunod niya lahat ang “neoliberal recommendations” upang masungkit ang mataas na “credit rating.”

Kabilang sa mabibigat na programang ipinatupad ni Duterte sa nakalipas na mga taon ang TRAIN at Rice Liberalization Law, K-12 educational reform, privatization ng public properties gaya ng airport sa Clark, mababang paggasta para sa kalusugan, edukasyon at iba pa. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot …

Atty Lorna Kapunan

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak
BUMOTO NANG TAMA – KAPUNAN

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na …

Amenah Pangandaman BBM Bongbong Marcos

Sa utos ni PBBM
DBM SEC. PANGANDAMAN APRUB SA MAS MATAAS NA HONORARIA PARA SA MGA GURO, POLL OFFICERS

MASAYANG ibinalita ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, batay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *