Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Health protocols mahigpit na ipatutupad sa Manila cemeteries

MAHIGPIT na ipatu­pad ang health protocols sa publiko na maagang bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North at South Cemetery.

Ito ang iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domago­so sa kanyang mga tauhan.

Ang pahayag ni Moreno ay bunsod ng ulat nina Yayay Cas­tañeda, administrator ng Manila North Cemetery (MNC) at Jess Payad, administator ng  Manila South Cemetery (MSC) na may nagsimula nang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Moreno, estriktong ipatutupad ang health protocols tulad ng temperature checks, pagsusuot ng facemask at face shields, at agwat o physical distancing.

Mahigpit na Ipinag­babawal ang pagpasok ng mga senior citizen at mga kabataang edad 20 anyos pababa.

Matatandaang ini­anunsiyo ni Moreno na isasara ang mga semen­teryo, columbarium, at memorial parks sa lungsod mula 31 Oktubre hanggang 3 Nobyembre upang maiwasan ang pagdagsa at maiiwas sa paglaganap ng sakit na CoVid-19.

Pinasalamatan ni Moreno ang publiko dahil sa pagsunod sa kanyang panawagan partikular ang mga maagang nag­tungo sa mga himlayan.

Dahil sa utos ni Moreno, hanggang 30 Oktubre na lamang bukas ang sementeryo at ang paglilibing ay mula 8:00 am hanggang 5:00 pm.

Hindi rin papayagan ang pagpaaok ng sasakyan at pagtitinda ng mga vendor.

Sa paglilibing, 30 katao lamang ang papa­yagan na makapasaok sa sementeryo.

Sinabi ni Payad na ang MSC ay bukas mula 7:00 am hanggang 5:00 pm sa buong linggo.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …