INILABAS na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado nila sa iba’t ibang kategorya para sa kanilang 43rd Gawad Urian.
Ang mga niminado para sa Best Actress category ay sina Alessandra de Rossi (Lucid), Kathryn Bernardo (Hello Love, Goodbye), Max Eigenmann (Verdict), Angie Ferro (Lola Igna), Jean Garcia (Watch Me Kill), Janine Guttierez (Babae at Baril), Anita Linda (Circa), Bela Padila (Manianita), Sue Prado (Alma-Ata), at Ruby Ruiz (Iska).
Kapansin-pansin na wala ang pangalan ni Judy Ann Santos bilang nominado, to think na siya ang itinanghal na Best Actress last year sa Metro Manila Filmfestival at Gawad Tanglaw para sa Mindanao. At sa Cairo International Film Festival ay wagi rin siya bilang Best Actress para rin sa nasabing pelikula.
Sabagay, kanya-kanyang panlasa naman ang mga hurado ng iba’t ibang award-winning body. Nagkataon na hindi pumasa sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang akting na ipinamalas ni Juday sa Mindanao.
MA at PA
ni Rommel Placente