Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnold, deadma sa hamon ni Sarah Balabagan

PARANG nanadya pa si Arnold Clavio na kung ano-ano lang na walang kapararakan ang ipino-post n’ya sa Instagram pagkatapos maglabasan sa social media at mass media ang pagtatapat ni Sarah Balabagan at sumamong pakitunguhan ang anak nilang babae na 21 years old na ngayon.

Hindi sagot ang mga ‘yon sa naging napakasikat na OFW na si Sarah noong kalagitnaan ng Dekada 90 dahil nailigtas siya sa parusang kamatayan kaugnay ng pagkakapatay umano n’ya sa employer n’ya na United Arab Emirates na tinangka siyang pagsamantalahan noong 1994. Isa siyang kasambahay ng isang malaking pamilya na pawang lalaki ang miyembro.

Nainterbyu na si Sarah online kamakailan ni Raffy Tulfo sa public service show nito sa TV5. Sa show na ‘yon ay hinamon na ni Sarah si Arnold na magpakalalaki at aminin na 17 years old pa lang siya noong maging lihim na girlfriend siya ng GMA 7 reporter na nauwi sa pagsisilang n’ya nang ‘di kasal (dahil posibleng may asawa’t anak na si Arnold na 31 years old na noon).

Ang sunod-sunod na inilabas ni Arnold sa Instagram n’ya pagkatapos ng pagbubunyag ni Sarah ay mga larawan n’ya ng pagpapagupit, pagkahilig  sa mga prutas, at paglalaro ng golf. Umaasta talaga siya na parang wala siyang nabalitaan tungkol kay Sarah at sa umano’y anak nilang kung tawagjn ni Sarah ay “Ara.”

Ganoon din naman ang GMA 7 na ‘di rin naglalabas ng kahit anong balita tungkol sa mga pagbubunyag ni Sarah.

Siguro nga ay hanggang sa isinusulat namin ito ay wala namang sponsors ang mga programa ni Arnold na nagbabantang ititigil ang suporta nila.

Wala rin sigurong malaking bilang ng mga tagasubaybay ng GMA 7 na desmayado sila sa pagsa­sawalang kibo ni Arnold tungkol sa pagbu­bunyag ni Sarah.

Parang wala namang humihiling na tanggalin si Arnold sa trabaho dahil kahihiyan siya para sa Kapuso Network. Ang ini-expect lang ng ilang mga tao ay tanggapin ni Arnold na totoo ang ibinunyag ni Sarah o itanggi ito. Hindi naman nagbabalak si Sarah na makahanap ng paraan na idemanda si Arnold. Hindi rin siya humihingi ng financial support para sa umano’y anak nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …