Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marcial hahawakan ni Roach

PAKAY ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na maging world champion din na katulad niya si Tokyo Olympics qualifier Eumir Felix Marcial.

Para malaki ang tsansa ay dalawang respetadong trainers ang ipinatututok ni eight-division world champion Pacquiao kay Marcial.

Sina  Hall of Famer Freddie Roach at Justin Fortune ang gagabay sa training program ni Marcial para maging handa sa unang pro fight.

Nais ng MP Promotions na bigyan ng tatlong laban si Marcial bago ito sumabak sa Olympics na gaganapin sa Hulyo 2021.

Nobyembre ang target date ng unang salang ni three-time Southeast Asian Games champion, Marcial at kapag naselyuhan ito ay agad na tutulak ang Pinoy boxer sa Los Angeles, California upang masimulan ang training nito kina Roach at Fortune.

Inaabangan na lang ni MP Promotions chief Sean Gibbons na maikasa ang laban ng kanilang bataan.

ni ARABELA PRINCESS DAWA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …