Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1st meeting nina EA at Shaira, nakakikilig

NAKAKIKILIG ang kuwento ng Kapuso couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz tungkol sa kanilang first meeting na mapapanood sa latest vlog ng aktor.

Kuwento ni EA, hindi siya love at first sight. “Nagsimula siya, nag-guest ako sa isang reality show nila na contestant siya. Nag-rehearsal kami, so wala deadma lang ako. Ako naman, kasi every time na bababa ako ng kotse, magpapabango ako. Tapos, after rehearsal, uwi. Wala, deadma, wala akong naramdaman na kahit ano na gusto ko siya, na nagagandahan ako sa kanya.”

Dagdag naman ni Shaira, siya rin ay hindi agad nahumaling sa aktor.  “’Yung rehearsal kasi sa G-Force, pagkakita ko sa kanya, naka-sando lang siya ‘yung [kita] ‘yung kili-kili. So, siyempre, dahil naka-sando nga, kita ‘yung buhok sa kili-kili, ‘di ba? So sabi ko, ‘Ano ba yan?’ Sasayaw kami siyempre hindi naman maiiwasan na mapawisan. So, nandoon pa lang, medyo nandiri ako kasi siyempre may mga yakap-yakap tapos pawis siya. Malay ko ba kung ano ‘yung amoy niyong kili-kili niya noon.”

Nakatutuwa man ang first encounter nila, hindi ito naging hadlang para diskartehan ni EA si Shaira sa muli nilang pagkikita. Sabi pa niya, para  nag-“slow mo” ang mundo kaya unti-unti siyang gumawa ng paraan para lalong mapalapit sa aktres. Ngayon ay nagdiriwang na sila ng ika-7 anniversary bilang magkasintahan at nagbahagi rin sina EA at Shaira ng mga advice para lalong patatagin ang mga long-term relationship.

Panoorin buong video sa YouTube channel ni EA.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …