Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ken, nakapag-ipon kaya ‘di hirap ngayong pandemic

KUNG ‘yung ibang mga artista ay aminadong nahihirapan na sa mga gastusin sa pang-araw-araw na pangangailangan at sa mga bayarin sa  bills dahil walang trabahong pumapasok sanhi ng Covid-19 pandemic, sa kaso ni Ken Chan,  making bagay na may sapat siyang ipon.

Kaya hindi siya gaanong nahirapan o apektado, kahit hindi gaanong karami ang trabahong pumapasok.

“Awa po ng Diyos, bago po dumating ‘yung pandemic, may mga proyekto po akong nagawa. At ako po kasi, matipid po kasi ako talaga na tao, eh. Hindi po ako mahilig sa mga bili-bili, sa mga gadget. Hindi ko po hilig ‘yan.

 

“So, awa ng Diyos, kahit paano nakapag-save po ako ng money for myself, for my whole family,” sabi ni Ken sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Napagtanto ni Ken ang kahalagahan ng pag-iipon.

“Dito ko rin po na-realize na after this pandemic, na kapag matapos po lahat, dito po talaga masusubok na kailangan mo talaga ng matinding ipon. Kasi, naniniwala ako… na huwag naman sana, pero mangyayari’t mangyayari ‘to ulit. So, kailangan talaga, malaking-malaking lesson to sa lahat.”

Kaya malaki ang pasasalamat ni Ken sa yumao niyang manager na si German Moreno dahil ito ang nagturo sa kanyang magtipid.

“Ito po ‘yung natutuhan ko kay Tatay (tawag niya kay kuya Germs). Lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘Mag-ipon ka. Kung kikita ka ng P10, kailangan mong gastusin lang ‘yung P2. ‘Yung walong piso, itago mo. At ginawa ko po ‘yun at nakatulong po sa akin ‘yun.”

 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …