Friday , December 27 2024

10 dating rebelde binigyan ng ayuda

NAKATANGGAP ng tseke bilang ayuda ang 10 dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA), mula sa programang Enhanced Comprehensive Local

Integration (E-Clip) sa isinagawang awarding ceremony ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA).

Sa nasabing seremonya, nakatanggap ng tig-P65,000 ang bawat dating  miyembro ng New People’s Army (NPA) at tig-P15,000 ang nakuha ng dating mga kasapi ng Militia ng Bayan (MB) kasama ang livelihood assistance mula sa gobyerno bilang tulong sa kanilang pagbabagong buhay.

Kasama sa benepisyo ang medical assistance, loan at market access, legal at educational assistance at maaari rin maging emisaryo sa mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan.

Ang E-Clip ay programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at OPAPP na layuning makapagbigay ng tulong sa mga nagbabalik loob sa gobyernong dating mga rebeldeng NPA, MB at NDF upang makapamuhay nang mapayapa. (RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *