Monday , December 23 2024

Eskapo ni Duterte ‘di totoo — Palasyo (Año positibo ulit sa CoVid-19)

ni ROSE NOVENARIO

HINDI umeskapo ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte at nananatili lamang sa Davao City, ayon sa Palasyo.

“There is no truth that President Rodrigo Roa Duterte left the country this weekend,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa text message sa Palace reporters kahapon.

Nakatutok aniya ang Punong Ehekutibo sa sitwasyon ng coronavirus disease (CoVid-19) sa bansa.

“The Chief Executive is in the Philippines and closely monitoring the CoVid-19 situation in the country,” dagdag ni Roque.

Walang binanggit si Roque kung ano ang pinaghugutan ng kanyang paglilinaw sa kinaroroonan ng Pangulo.

Kaugnay nito, tiniyak ni Roque na tuloy ang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at public address ni Pangulong Duterte ngayon kahit hindi kasama si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Kinompirma kaha­pon ni Año na nag­positibo siya sa CoVid-19.

“We were all tested pursuant to the requirement of Mayor Sara (Duterte) at least 72 hours before entry into the city,” sabi ni Roque.

“All those seeing PRRD on Monday tested negative except for Secretary Año,” dagdag niya.

Inaasahang ihahayag ngayon ni Pangulong Duterte ang quarantine classification para sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal matapos niyang isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang 18 Agosto 2020.

 

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *