Thursday , December 26 2024

2 Pinoy patay, 6 sugatan sa 2 pagsabog sa Beirut

DALAWANG Filipino ang iniulat na namatay at anim ang sugatan sa dalawang magkasunod at malalakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon, kahapon, kompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Per latest report from the Philippine Embassy, 2 Filipinos have been reported killed and 6 injured. All were in their employers homes during the explosion,” pahayag sa mga mamamahayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Menez ngayong umaga, 05 Agosto, Miyerkoles.

Nakikipag-ugnayan na umano ang Philippine Embassy sa Filipino community sa Lebanon upang matasa nang maayos ang sitwasyon upang makapagbigay ng tulong  sa mga apektadong Filipino, pagtitiyak ng DFA.

Ayon kay Menez, tinatayang may 33,000 Filipino ang kasalukuyang nasa Lebanon, 75% nito ay nasa Greater Beirut area.

Sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring tawagan ang Philippine Embassy sa mga sumusunod na numero ng telepono +961 3859430, +961  81334836, +961 71474416, +961  70681060, at +961 70858086; Email sa [email protected] at Facebook: Philippine Embassy in Lebanon

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *