Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bitoy positibong malalampasan, kinakaharap na pagsubok

SA kanyang latest YouTube vlog, kinompirma ni Michael V. na siya ay Covid-19 positive.

 

Ayon kay Bitoy, nakaramdam siya ng flu-like symptoms noong mga nakaraang araw na sinubukan niyang mag-vlog, “Siyempre nag-isolate na kaagad ako, nag-quarantine na kaagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day.”

 

Mayroon daw siyang naramdamamg weird sensation sa kanyang nasal area at nawala ang kanyang panlasa at pang-amoy.

 

Kuwento pa niya, strict ang kanilang pamilya pagdating sa safety protocols at social distancing at nakasuot pa sila ng PPEs tuwing lumalabas.  Dahil sa kanyang mga nararamdaman, nagdesisyon siya at kanyang asawa na magpa-test na sa ospital. At doon nila nakompirma na siya ay tinamaan ng virus.

 

Aniya, “So BSS that’s it. Positive, just as what we suspected early on. Alam kong hindi normal ‘yung nawala ‘yung pang-amoy ko and I was counting may kinalaman ‘yun sa COVID. Pero I was also praying na sana wala, sana allergy lang or something. But it turns out yeah. Itutuloy lang natin ‘yung mga sinabi sa atin na mga kailangan gawin and we’ll get through this.”

 

Agad namang bumuhos ang suporta at panalangin mula sa kanyang fans at kapwa celebrities para sa kanyang paggaling.  Positibo naman si Bitoy na malalampasan niya ang kinakaharap na pagsubok.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …