Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Greta na si Dominique, nagtipid sa pagkain sa US, dumanas ng 7 cancelled flights bago nakabalik ng ‘Pinas

PINAGPANTAY-PANTAY ng Covid ang lahat: ang mayayaman at mahihirap, maganda at ‘di-kaakit-akit, matanda at bata, sikat at ‘di kilala. (May ilang military at opisyal sa Pilipinas ang nakapangingibabaw mapaminsan-minsan, pero walang-pakundangan ding nilalait ng netizens sa social media na parang mga ordinaryong mamamayan.)

 

Si Dominique Cojuangco, ang nag-iisang anak ni Gretchen Barretto sa live-in partner n’yang bilyonaryong si Tonyboy Cojuangco ay nakabalik na finally kamakailan mula sa San Francisco, California, USA, matapos magdusa sa pitong beses na nakanselang flight.

 

Ang mga kanselasyon ay dahil sa Covid-19. Magmula noong una siyang nagpareserba ng biyahe papuntang Pilipinas ay na-test na siyang negative sa Covid.

 

Nagdusa rin siya at nagtiis na magkulong sa bahay na tinitirahan n’ya sa San Francisco Bay area mula noong kalagitnaan ng Marso na nagsimula ang lockdown (quarantine) sa lugar na ‘yon.

 

Sa Instagram n’yang @Dominique, nag-post siya noong Marso kung paano siya nabubuhay doon at nagtitipid ng pagkain.

 

Aniya, “Been on lockdown for ten days now—working at home and drinking lots of vitamins. This type of self-care is not available to everyone. I’ve been rationing my food as much as possible, but this is some people’s reality every day.”

 

Payo n’ya sa mga tagasubaybay nya, “I hope that everyone’s taking the same precautions when it comes to not being wasteful, and not hoarding. As much as we can, let’s be grateful for what we have.”

 

Nagpahayag din siya ng concern sa madla. Aniya, “I’m praying for all those in hospital beds, with sick loved-ones, and those that feel lonely & scared at this time…”

 

Twenty-five years old na si Dominique na nagsimulang manirahan sa Amerika noon pang 2018 dahil sa pag-aaral n’ya sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM) sa California. Nagtapos siyang magna cum laude sa nasabing institusyon.

 

Pangalawang kurso na n’ya ‘yon na tinapos sa ibang bansa. Bago ‘yon ay nag-aral din siya noong 2017 ng fashion design sa Istituto Marangoni sa London, England naman.

 

Pero sa pag-uwi n’ya sa Pilipinas, nakatulong nang malaki kay Dominique na bilyonaryo ang ama n’ya.

 

Kung bubuksan n’yo ang Instagram ni Dominique, matutunghayon n’yo sa mahabang video post n’yang Travelling During a Pandemic, madidiskubre n’yong kasama n’ya sa pag-uwi sa Pilipinas ang aso n’yang ang pangalan ay Chapo at ang boyfriend n’yang Pinoy (na US-based din) na ang pangalan ay ‘di binanggit. Kasama nila ang aso sa passenger’s area, at parang may solo itong upuan.

 

‘Pag binasa n’yo ang mga comment, may isang @allyanamartinez ang nagtanong kung sa passengers’ area mismo nag-stay si Chapo, ang simpleng sagot ni Dominic ay, “Yessss.”

 

May nagtanong din kay Dominique na @mommyger8 kung allowed ba ang “tourist to come to the Philippines,” ang sagot ni Dominique ay “my boyfriend is a Filipino.”

 

Actually, parang pinapaiwas ni Gretchen na ibandera na dumating si Dominique na may kasamang boyfriend. Sa Instagram video post ni Gretchen ng supposedly ay unang pagkikita nilang mag-ina sa bahay nila sa Forbes Park, Makati walang boyfriend na ipinakita. Of course, wala rin sa video na ‘yon ang ama ni Dominique.

 

May lamang pa rin pala sa panahon ng Covid ang mga oligarko. Well, talagang ganoon ang buhay!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …