Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

Tulak na Tsinay inginuso ng kabayan timbog

NADAKIP ang babaeng Chinese national na kabilang sa high value target (HVT) nang ibuko ng kababayang nakakulong o person under police custody (PUPC) na nagsuplay sa kaniya ng droga, nitong Sabado ng hapon sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Xueming Chen, 22 anyos, walang trabaho, ng Room 557, 5th floor Tower D, Shell Residences, Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

Ayon sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay Police na pinangunahan ni P/Capt. Cecilio Tomas, Jr., ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek dakong 4:00 pm ng Sabado.

Isang poseur buyer ang nakabili ng shabu kaya agad hinuli ng mga operatiba ang suspek sa kaniyang unit at nasamsam ang 9 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 11.7 gramo na nagkakahalaga ng P79,628, drug paraphernalia at ang buy bust money.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang SDEU laban kay Chen matapos sabihin ng PUPC na si Wen Bo, 33, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), residente ng Unit 1055 Tower A, Shell Residences EDSA Extn., Barangay 76 , Zone 10 , Pasay City na sinabing supplier ng shabu ang kababayan.

Una nang nahulihan ng tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 na nakasingit sa food pack habang nakapiit sa custodial facility ng SDEU, 1:00 am ng Sabado, 11 Hulyo, matapos isagawa ang ‘Oplan Greyhound.’

Sa isinagawang interogasyon, ibinulgar ni Bo sa awtoridad na nagmula ang ilegal na droga kay Chen.-(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …