Thursday , December 19 2024

Anak ni Edu, nagprotestang mag-isa sa New York

NABANGGIT kaya ni Enzo Manzano sa bagong TV show ng ama n’yang si Edu Manzano kung bakit nag-iisa lang siyang nagprotesta kamakailan sa harap ng United Nations headquarter sa New York at ilang araw pagkatapos ay sa harap naman ng Philippine Consulate na nasa New York din?

 

Sa cable station na Metro Channel nag-premiere noong Linggo ng gabi (June 21) ang Good Vibes with Edu, at ayon sa mga publicity tungkol sa bagong talk show ay kabilang si Enzo sa mga makakatsika ng host, pati na ang anak nitong si Luis Manzano.

 

Magkapatid sina Enzo at Luis pero magkaiba sila ng ina. Siguradong alam n’yo nang ang ex-actress na congresswoman na si Vilma Santos ang ina ni Luis na matanda ng halos sampung taon kay Enzo, na ang ina ay ang model at panandalian ding naging aktres na si Rina Samson. 

 

Dalawa’t kalahating taon nang naninirahan sa New York si Enzo. Lumipat siya roon pagkatapos n’yang maka-graduate sa De La Salle University (Manila) noong 2017. Most likely ay hiwalay na rin ang ama n’ya sa kanyang ina noong nagtapos siya ng kolehiyo.

 

Malamang na advanced ang teyping ng bagong show ni Edu dahil marami siyang guests at malamang na lahat naman ‘yon ay sa pamamagitan lang ng Zoom conferencing app. Kasi nga ay may quarantine pa rin naman halos sa buong bansa.

 

Actually, ‘di kami nagkaroon ng opurtunidad na mapanood ang show dahil noong nabasa lang namin sa press releases na mayroon palang cable station na Metro Channel.

 

Noong June 18 sa New York ang pagpoprotesta ni Enzo sa harap ng Philippine Consulate at June 20 na ‘yon sa Pilipinas, dahil sa kombensiyon ng International Dateline.

 

Mga limang araw pa lang bago ang premiere showing ng Good Vibes with Edu, may press release nang kabilang ang anak n’yang si Enzo sa makakatsika n’ya. Posibleng noong advanced taping ng interview ng ama sa kanyang anak via Zoom ay ‘di pa buo sa isip nito na magra-rally siyang mag-isa tungkol sa umano’y pagkamatay ng demokrasya sa sinilangan n’yang bayan. Malamang na ang pagiging advanced ng teyping ang dahilan kaya ‘di nabanggit ni Enzo sa kanyang ama ang balak n’ya.

 

Sa Facebook n’yang @Enzo Manzano ay inamin ng anak ni Edu na tatlong araw bago mag-June 19 n’ya napagpasyahan na magprotesta. Posibleng mas maaga pa sa June 15, nag-Zoom taping ang mag-ama.

 

At kung ‘di man nabanggit ni Enzo sa ama n’ya ang balak n’ya, ‘yon siguro ay para ‘di siya mapakiusapan ng ama n’ya na huwag nang ituloy ‘yon at baka magdulot lang ng problema sa kanya ang pagpoprotestang mag-isa. Kung pipigilan man ni Edu ang anak na mag-rally laban sa administrasyon ni Pangulong Digong Duterte, ‘yon ay ‘di dahil pro-Duterte siya. Lehitimong politician din si Edu at noong tumakbo siya na maging congressman ng San Juan, hindi siya kapartido ni Pres. Duterte.

 

In fairness to Edu, sa tuwing kumakandidato siya at ‘di nagwawagi, nananahimik muna siya tungkol sa politika. (Kumandidato rin siya noong 2010 sa pagka-bise presidente, katiket ni Gabo Teodoro. Ang ticket nina Gloria Arroyo at Jejomar Binay ang nagwagi.) Malamang na bahagi ng pananahimik ni Edu sa politika ang ‘di pakikialam sa desisyon ng anak na iprotesta ang mga nagaganap sa administrasyon ni Pres. Duterte.

 

Actually, sa pamamagitan lang din naman ng Instagram posts ni Enzo napabalita sa Pilipinas ang pagra-rally n’ya nang solo. Nalathala sa mga d’yaryo at news and entertainment websites ang mga litrato n’yang may hawak na placard. Sa litrato n’ya sa tarangkahan ng UN headquarters ay may nakapaskil ding placards sa steel gate ng compound.

 

Matangkad na tao si Enzo sa taas n’yang 6′ 1″. Dahil mag-isa lang naman siya, malinis, at disente ang hitsura kaya siguro siya hinayaan lang na tumayo sa harap ng mga nabanggit na opisina nang mahigit sa dalawang oras.

 

Ang isa sa mga placard n’ya noong June 18 sa harap ng UN headquarter ay ito ang nakasulat:  “DUTERTE & THE PHILIPPINE GOV’T ARE TAKING AWAY MY PEOPLE’S BASIC RIGHTS! FILIPINOS CAN’T PROTEST… so I hope the WORLD can see us instead!” 

 

Sa pangalawang araw naman ng protesta, ang nakalagay naman sa placard n’ya ay: “THE PHILIPPINE GOVERNMENT IS DESTROYING MY COUNTRY’S DEMOCRACY! HEAR US NOW (BEFORE IT’S TOO LATE).”

 

“TO FILIPINOS OVERSEAS: WE MAY HAVE LEFT OUR COUNTRY… BUT LET’S NOT ABANDON OUR PEOPLE. ”

 

Habang isinusulat namin ito ay wala pang bagong balita na nagprotesta uling mag-isa si Enzo sa iba namang lugar sa Amerika.

 

Kahanga-hanga rin naman na matindi pa rin ang pagmamalasakit ni Enzo sa Pilipinas.

 

Samantala, 8:30 pm tuwing Linggo ipinalalabas ang Good Vibes with Edu. Ang Metro Channel ay available sa SKYcable channel 52 (SD) at channel 174 (HD), at sa  SKYdirect channel 31. For more details, like Metro Channel on Facebook (www.facebook.com/metrochannelph) and follow it on Instagram and Twitter (@metrochannelph).

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *