Life hurts a lot more than death.
— Anonymous
KUNG tunay ngang nagtatagumpay ang mga lockdown at stay-at-home protocol para pabagalin ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19, nagbabala ang mga health expert na ang nasabi rin mga alituntunin ang maaaring makadiskaril sa programang pumipigil sa isa pang mapanganib na sakit — ang human immune-deficiency virus (HIV).
Simula nitong buwan ng Abril, nagsagawa ng online survey si Emory University epidemiologist Travis Sanchez sa aabot 1,000 kalalakihan na nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki, at kalahati sa kanila ang nabawasan ang bilang ng kanilang mga katalik.
Sa teorya, makababawas ito sa transmission, ngunit agad din idinagdag ni Sanchez ang isang nakababahalang paalala: 25 porsiyento ng kalalakihan ang nagsabing nakakaranas sila ng problema sa pagpapasuri sa mga sexually transmitted disease (STD), dahil libo-libong medical centers na dating nagbibigay ng HIV test ay nagsipagsara na o dili kaya’y ginawang testing facility para sa COVID-19.
Nangangahulugan ngayon na yaong mga taong patuloy na nakikipagtalik ay walang ideya patungkol sa kanilang status, na babala ni Sanchez ay isang time bomb na maaaring sumabog anumang oras.
Wika nito: “It’s very likely that people’s risk behaviors will resume before they will have full access to prevention services.”
Kaya idinagdag ng epidemiologist na ang kombinasyon ng kakulangan ng pasilidad at patuloy na walang kaalaman sa health status ay maaaring humantong sa pagtaas ng HIV transmission.
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL
ni Tracy Cabrera