Tuesday , January 14 2025
abs cbn

4 empleyado wagi sa labor dispute vs ABS CBN (Naunsiyami ng COVID-19)

APAT na sinibak na empleyado ng ABS-CBN ang nagwagi sa kanilang inihaing reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) bago tuluyang nawala sa ere.

Inilabas ng NLRC ang desisyong return-to-work order para kina Rowena “Wheng” Hidalgo Otida, Jerome “Jay” Manahan, at John E. Cuba.Kasamang nanalo ng tatlo sa kaso (NLRC-NCR case no. 05-06101-03) si Ricky de Belen, ngunit namatay sa isang aksidente sa motorsiklo, dalawang buwan na ang nakararaan.

Noong 6 Pebrero 2020, inilabas ni Labor Arbiter Leilani T. Braza-Oro ang return-to-work order pabor kina Otida, Manahan, Cuba, at De Belen.

Iniutos ni Oro na dapat pabalikin sa trabaho sina Otida, Manahan at Cuba sa loob ng 15 araw matapos matanggap ng ABS-CBN ang order, sa kanilang dating mga posisyon o katumbas nito.

Bukod dito, pinababayaran din ng kabuuang P100,000 ang bawat complainant, P50,000 sa exemplary damages at P50,000 sa moral damages, at 10 porsiyentong attorney fee.

Nauna rito naghain ng kaso ang mga empleyado noong Hunyo 2003 ngunit ibinasura ito noong Agosto 2004, Muli itong inapela ng mga empleyado.

Noong 29 Oktobre 2009, binaliktad ng NRC First Division ang desisyon at pinaboran ang reklamo.

Umabot sa Korte Suprema ang kaso.

Noong 14 Hunyo 2014 inutusan ng korte ang ABS-CBN na bigyan si De Belen ng back pay at separation pay dahil sa ilegal na pagtatanggal sa kanila.

Ngunit noong 5 Mayo, nagpalabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order laban sa ABS-CBN.

About hataw tabloid

Check Also

FPJ Panday Bayani

Edukasyon sa lahat, mataas na sahod sa mga guro tungo sa AmBisyon 2040 – Brian Poe

IMINUNGKAHI ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares …

APCU 1

PH-China Understanding, Inc. inducts new officers, members

The Association for Philippines-China Understanding Inc. (APCU) has inducted its new officers and members/associates recently. …

Dead Rape

Sa Talisay, Negros Occidental
PINAGBINTANGANG ‘SCAMMER’ PATAY NANG MATAGPUAN

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 32-anyos babaeng pinaghihinalaang ‘scammer’ sa Hacienda Lizares, Brgy. …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
3 tulak, 4 wanted person nasakote

SA PATULOY na anti-criminality operations ng Bulacan PNP, nadakip ang tatlong hinihinalang mga tulak ng …

P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

P46-M puslit na ukay-ukay nakompiska sa Bulacan

MATAGUMPAY na naisagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 (RFU …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *