Sunday , December 22 2024

SAP ng ECQ mabagal, maaberya 4.2-M Pinoys ‘nagutom’ (Kahit maraming nakatanggap)

BILYON-BILYONG pondo man ang pinakawalan ng administrasyong Duterte, naging malala pa rin

ang naranasang ‘involuntary hunger’ ng mga mamamayan sa halos tatlong buwang pag-iral ng Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa mabagal at maaberyang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) na nagresulta sa kulelat at banderang kapos na ayuda ng pamahalaan.

Inihayag ito ni dating Kabataan party-list representative at Infrawatch PH convenor Terry Ridon kasunod ng resulta ng Social Weather Station (SWS ) survey na 4.2 milyong pamilya ang nakaranas ng ‘involuntary hunger’ sa nakalipas na tatlong buwan.

Ayon kay Ridon, dapat magising ang gobyerno sa SWS hunger survey at gamitin ito upang repasohin ang mga social protection program kasabay ng pagluluwag ng quarantine protocols sa buong bansa.

Giit niya, sa kabila na halos lahat ng sumagot sa survey ay nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan, ang 16.7 porsiyentong hunger index ay nangangahulugan na hindi nakarating sa oras ang tulong kaya nakaranas sila ng kagutuman.

Tinukoy ni Ridon ang isa sa mga dahilan ay hindi tamang pagpapatupad ng guidelines ng DSWD kaugnay sa pamamahagi ng SAP gaya ng ilang lokal na opisyal at barangay na ginagamit sa pamomolitika o pagpabor sa mga kaalyado at kamaganak.

Ang mekanismo aniya ng DSWD para sa paghahain ng reklamo ng mga hindi nakatanggap ng ayuda ay tila tsubibo na ieendoso ang complainant mula sa national sa regional at ibabalik sa local level na inirereklamo dahil nga tumangging bigyan ng SAP ang complainants.

“However, the appeals was basically an endorsement mechanism from national to regional and back to local social welfare offices, back to the same local level which rejected the families in the first place,” ani Ridon.

Kaugnay nito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na sasagarin ng pamahalaan ang paggamit ng information and communications technology sa mga inisyatibo upang labanan ang gutom,.

Inilunsad ni Nograles kamakailan ang SCAN (Supply Chain Analytics) Dashboard at sumailalim siya sa pamilyarisasyon sa IT ecosystem ng gobyerno laban sa COVID-19, na maaaring magamit ng iba pang ahensiya tulad ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger ang nasabing teknolohiya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *