Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May higit 7,000 PUMs… Pangasinan COVID-19 free pa rin

NAITALA ang kabuuang bilang na 7,704 katao sa lalawigan ng Pangasinan na ikinokonsiderang persons under monitoring (PUMs) para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kabila ng paniniyak ng health officials na wala pa rin kompirmadong kaso sa probinsiya.

Lomobo ang bilang ng PUMs matapos umuwi ang ilang mga estudyante nang sumailalim ang Metro Manila sa community quarantine.

Ipinag-utos ng pamahalaang panlalawigan na mag-report ang mga dumarating na residente sa kanilang mga barangay upang maitala.

Ikinasa rin ang mga barangay health emergency response team (BHERT) upang mabantayan ang mga PUM na inabisohang suma­ilaim sa home quarantine ng 14 araw.

Nakita sa talaan ng local health office na hindi bababa sa 16 katao mula sa listahan ng mga PUM ang naka­kompleto na ng 14-araw quarantine period.

Hanggang 8:00 am nitong Lunes, 16 Marso, nakapagtala ng 11 patients under investigation (PUIs) sa iba’t ibang pagamutan na lima sa kanila ang nakauwi sa kanilang mga tahanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …