Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anti-Money Laundering Council AMLC

AMLC ginisa sa senado

IGINISA ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon ang opisyal ng Anti-Money Laundering Council ( AMLC) sa isina­gawang pagdinig ng senado ukol sa sa alegasyon ng paglabag sa anti-money laundering matapos mabuking na nagpapapasok ng milyon-milyong dolyar sa paliparan ang mga Chinese national na du-ma­rating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Offshore Gaming Opera-tors (POGOs).

Sa pagdinig, inamin ni Atty. Mel Georgie Racela, Executive Director ng AMLC na nakatanggap sila ng report na umaabot sa 2.7 milyong Yen, at 215 milyong Hong Kong do-llars ang pumasok noong 2019 na dala ng mga Chi-nese national na pumapa-sok bilang POGO emplo-yees at service providers.

Samantala, sinabi ni Gordon, base sa kanyang nakuhang report simula Setyembre 2019 hang­gang 5 Marso 2020 uma­bot sa 633 milyong dol-yares o P32 bilyon ang pumasok na hinihinalang ‘laundering.’

Sinabi ni Bureau of Custom (BoC) Com­mis-sioner Rey Leonardo Guer-rero kanilang ini-report sa AMLC ang  naturang ano-malya na nadiskubre ngu-nit walang naging aksiyon ang AMLC.

Dahil dito ginisa ni Gordon si Racela kung bakit tila natutulog sa kangkungan at hindi agad ipinaaresto ang naturang mga Chinese national.

Paliwanag ni Racela, nagsasagawa sila ng imbestigasyon ukol sa naturang report na hindi naman kinagat ni Gordon.

Iginiit ng senador, anong ebidensiya pa ang kailangan ng AMLC samantala matibay na ilang transaksiyon ang nagaganap sa paliparan na may paglabag sa anti-money laundering law.

Samantala, pinuna ni Senadora Imee Marcos ang paliwanag ni Racela sa naturang pagdinig.

Ayon kay Marcos, hindi siya kontento sa naging paliwanag ni Racela at tila nagpa­pa­lusot ito sa pagpapabaya sa kanyang trabaho.

 (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …