Monday , December 23 2024

Van ni Kim ChiU, sadyang inabangan ng tandem

TARGET talaga ng riding-in-tandem ang sinasakyang van ng aktres na si Kim Chiu mula sa paglabas  sa subdivision hanggang paulanan ng bala ng baril pagdating sa traffic light sa kanto ng Katipunan Ave., at CP Garcia Ave., Barangay UP Campus, Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ito ang lumilitaw sa imbestigasyon ng binu­ong Special Investigation Task Group (SITG) Kim Chui  na pinamumunuan ni Quezon City Police District (QCPD) Deputy Director for Operation, P/Col.  Enrico Vargas katuwang si P/Lt. Col Lucio Simangan, Jr., base sa  nakuhang CCTV footage.

Sinabi ni QCPD Criminal Investigation and Detectoin Unit (CIDU) chief, P/Maj. Elmer Monsalve, base sa mga nakalap na CCTV footages, sinundan ng gunman ang sasakyan ni Kim Chiu na Hyundai H350 mula nang luma­bas sa Loyola Heights Subdivision kung saan nakatira ang aktres.

Pagsapit sa Katipu­nan Ave., corner CP Garcia Ave., Barangay UP Campus habang naka­hinto ang sasakyan, doon isinagawa ang pama­maril ng mga suspek sakay ng motorsiklo.

“Kung paano duma­an ‘yung sasakyan ng aktres na si Kim Chiu, makikita mo na nag-iisa lang ang sasakyan. Tapos sumulpot ang isang motor na naghihintay na doon sa subdivision,” ani Monsalve.

Sa ngayon, ani Mon­salve, patuloy ang panga­ngalap ng ebidensiya para alamin kung ang insidente ay isang ‘mistaken identity’ o napagkamalan ang sasak­yan ng aktres.

“Mistaken identity talaga ang isa sa malakas na tinitingnang angulo ngayon ng SITG, baga­ma’t may mga bagong development sa kaso sa isinasagawang pagsisi­yasat. Kasi kung titing­nan mo naman si Kim Chiu, sa kanyang back­ground at character, hindi mo makikitaan na may­roon siyang nakagalit o nakatalo,” ayon sa hepe ng CIDU.

Inihayag ni Monsalve, inirerekober nila ang footage ng aktuwal na lokasyon kung saan nangyari ang pamamaril sa aktres, pero malabo ang kuha ng CCTV na nakalap ng QCPD at hindi mamukhaan ang mga suspek kaya panawagan ng SITG, kung sinoman sa mga motorista ang naka­pag-record ng insidente sa kanilang dash cam ay huwag matakot at makipagtulungan sa pulisya. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *