Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
illegal fishing with the use of explosives

9 arestado sa ilegal na pangingisda sa Albay

NADAKIP ang siyam na mangingisda dahil sa paggamit ng ‘homemade explosives’ habang nama­malakaya sa dagat ng bayan ng Pio Duran, sa lalawigan ng Albay noong Miyerkoles ng umaga, 19 Pebrero.

Ayon kay P/Capt. Dexter Panganiban, taga­pagsalita ng Albay police,  inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Gilbert Guerra, Jomar Dela Rosa, Robert Labrusto, Jonel Labrusto, Andy Paul Labrusto, Anthony Cañete, Ivan Barill, Angel Gidoc, at Edgar Balanbang, pawang residente sa lalawigan ng Sorsogon.

Nakompiska din ng mga operatiba ng Task Force Bantay Dagat (anti-illegal fishing) ang 14 banyera ng “lopoy” (Sardinilla) na ilegal nilang nakuha at nagka­kahalaga ng halos P14,500.

Naharang ng task force ang maliit na bangkang pangisda at mga kontra­bando nang dumaong sa pier dakong 7:45 am.

Kasalukuyang naka-impound ang bangka habang haharap sa kasong illegal fishing with the use of explosives ang mga mangi­ngisda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …