Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

2 tulak ng ‘injectable shabu’ online huli sa PDEA

DINAKIP ang dalawang nagbebenta ng mga liquid o injectable shabu sa online ng mga ahente ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service Director Levi Ortiz, ang mga naarestong suspek na sina Mark Kenneth del Rosario San Juan, alyas Xtian, at Jeffrey Villarin Saclao, kapwa nasa hustong gulang, at mga residente sa Makati City.

Sa ulat ng PDEA, dakong 12:10 am nitong 20 Pebrero nang ikasa ng PDEA ang buy bust sa bisinidad ng isang fast food chain sa Guevarra St., Brgy. Highway Hills.

Nakabili ang undercover agent ng PDEA mula sa mga suspek ng limang piraso ng heringgilya na naglalaman ng liquid shabu, nagkakahalaga ng P10,000 kaya’t agad silang inaresto.

Nakompiska sa mga suspek ang isang pirasong transparent plastic sachet ng shabu na may street value na P13,600; 26 pirasong heringgilya na naglalaman ng liquid shabu, may sukat na 10.4 milliliters at tinatayang may street value na P52,000; at isang pirasong sterile water bottle, digital weighing scale at marked money.

Modus operandi ng mga suspek ang magbenta sa social media ng droga kabilang ang injectable shabu.

Ipinakikita ng dalawa sa kanilang mga parokyano, sa pamamagitan ng demo, kung paano gamitin ang injectable shabu.

Ang mga suspek, na nakapiit sa PDEA office, ay sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …