Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tripleng kuwela kasi… MMFF entry movie ni Bossing Vic Sotto, malaki ang laban sa takilya

BAGO pa rumatsada si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival ay si Bossing Vic Sotto ang may hawak ng record na hari sa takilya sa mga ginawang pelikula para sa MMFF. At matagal na panahon na laging no.1 top grosser ang lahat ng movies ni Bossing at hanggang ngayon ay kabilang pa rin siya sa top grossers sa taunang festival.

“Hindi talaga ako sanay kapag wala akong pang-MMFF sa Pasko e,” sabi ni Bossing sa mediacon ng kanilang MMFF entry movie this year. Hindi rin daw siya pressure sa kikitain nito. Hayaan na raw kung alin ang mag-number one o kung pang-ilan ang pelikula nila ni Maine.

“Graduate na ako riyan e. Ang mahalaga napapasaya ng pelikula namin ang buong pamilya,” nakangiting pahayag ng TV host/comedian/producer.

Samantala kung pagbabasehan ang trailer ng Mission Unstapabol, ay may laban ito sa takilya at kakaiba sa past movies, na ginawa ni Bossing Vic sa festival.

Yes bukod sa kinagigiliwang style sa pagpapatawa ni Bossing ay may action scenes siya rito kasama ang team Don na sina Maine Mendoza (Donna Cruise), Jake Cuenca (the wrestler Don Johnson), Don Kiko, at Pokwang, the magician, at mission nila na maibalik ang Pearl of the Orient, na pinakamalaking perlas sa buong mundo.

First time na gaganap na contravida rito si Jose Manalo na kapatid ni Bossing sa movie at makae-enkuwentro sila rito. Iba-ibang character ang ipo-portray ni Wally Bayola sa nasabing film at biro pa ng komedyante sa presscon ay poging-pogi siya rito.

Palabas ang Mission Unstapabol sa maraming sinehan sa buong bansa ngayong Dec 25. Mula ito sa APT Entertain­ment at M-ZET TV Productions ni Bossing Vic, at idinirek ni Mike Tuviera.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …