Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Billy Crawford Vhong Navarro

Vhong at Billy, muntik magka-umbagan

MUNTIK na palang magkasuntukan sina Vhong Navarro at Billy Crawford sa show nilang It’s Showtime.

Mismong si Billy ang umaming muntik na silang magkasuntukan ni Vhong noon dahil sa tampuhan.

Mabuti na lamang pumagitna sina Anne Curtis at Karylle na nakabawas ng tensiyon.

“May mga instances na si Anne at saka si Karylle umuupo sa gitna namin dahil hindi talaga kami puwede magtabi kasi either magsusuntukan kami or as in mag-aaway kami. Awkward na talaga, eh,” ani Billy.

Ayon naman kay Vhong, inamin nitong nagalit siya kay Billy dahil sa immediate cancellation nito sa kanilang Hong Kong travel na every year nilang ginagawa.

“May trip kami ng mga Kuya kasama si Billy. Tapos parang lately ‘di na siya nakakasama. Siyempre, close ko siya, eh. Kumbaga, parang ‘yung moment namin na ‘yon every year, ‘yun na lang ‘yung parang labas naming.”

Fortunately, sa parte naman ni Billy with humility, inamin nito na kasalan niya dahil naka-oo na siya pero last minute niyang nasabi kay Vhong na hindi siya makaaalis.

“Walang hesitation, as in nag-shut down talaga si Vhong. As in ‘di ako kinausap. Kahit nasa ‘Showtime’ kami. As in!”

Inamin din ni Vhong na nagalit talaga siya kay Billy at naging dahilan iyon kung bakit dalawang araw na hindi kinausap si Billy.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …