Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya, 2 bahay ang ipinatatayo

IKINAGULAT at ikinatuwa ng labis ni Sanya Lopez ang special announcement at sorpresa ni Beautèderm President/ CEO

Rhea Tan na bibigyan ng Beautèderm negosyo package ang mga bagong celebrity endorsers. Ito’y sina Sanya, Camille Prats, Pauline Mendoza, Rita Daniela, at Ken Chan.

Ang plano ni Sanya ay ipa-manage sa ina ang negosyo package at ilagay ang Beautèderm branch sa Laguna dahil roon siya nagmula.

At sa pagkakaroon ng bagong negosyo, unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ni Sanya, tulad na lamang ng pagpapatayo ng sariling bahay na malapit sa GMA-7.

May lupa na si Sanya sa Tagaytay na pagpapatayuan ng bahay-bakasyunan; naghahanap na siya ng lote na pagpapatayuan naman ng bahay niya sa Quezon City.

Samantala, consistent si Sanya sa pagsasabing never pa siyang nagkaroon ng boyfriend.

Sa isang interview kay Gab Lagman na na-link dati kay Sanya ay sinabi ng binata na nahihiya siya kay Sanya dahil nakatanggap ito ng bashing mula sa mga tao na nag-akala na nagkaroon sila ng relasyon.

Nilinaw ni Gab na hindi niya naging GF si Sanya.

“Na-bash ba ako? Parang hindi naman,” bulalas ni Sanya.

“Hindi po ako sure, okay lang, okay naman.

“Hindi po, hindi po niya ako talaga naging girlfriend.

“Mabait po kasi ‘yung taong ‘yun. Mabait naman siya, guwapo naman siya, ‘di ba?

“Sino naman ang parang aayawan siya?

“Napa­kabuti niya na kaibigan and I’m happy na happy din siya ngayon. Happy ako, happy siya.

“Masaya ako na until now, magkaibigan kami,” ang saad ni Sanya.

No boyfriend since birth nga si Sanya.

“Opo, totoo po ‘yun.”

“May mga nanligaw po pero siyempre, tinitingnan mo rin naman kung hanggang kailan.

“Nag-e-entertain din naman po ako. Kaya nga nag-e-entertain, malay mo siya na pala pero parang hangga’t nag-e-enjoy pa ako sa ginagawa ko, tingnan natin kung hanggang saan nila kayang maghintay.”

Career ang focus ni Sanya ngayon.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …