Thursday , August 21 2025

BBB projects ng gobyerno palpak — Drilon

TAHASANG inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pumalpak ang Build Build Build projects ng Duterte administration matapos lumabas na hindi ito naipatutupad nang maayos.

Ayon kay Drilon, sa loob ng 75 Build Build Build projects, tanging 9 proyekto pa lamang ang nagagawa ng gobyerno sa loob ng tatlong taon na labis na ikinababahala ng senador.

Sa budget delibe­ration sa senado hindi mai­paliwag kung bakit siyam pa lamang ang nagagawa ng gobyerno sa loob ng 75 priority projects.

Duda rin si Drilon sa ipinagyayabang ng gobyerno na matatapos ang 40 proyekto sa Build Build Build programs ng pamahalaan sa 2022.

Sinisi ng senador ang DPWH at DOTr kung bakit naging palpak ang Build Build Build projects ng gobyerno.

Tinawag na worse performers ni Drilon ang DPWH at DOTr sa pag­pa­patupad ng proyekto.

 (CYNTHIA MARTIN)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *