Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Shabu-silog’ nabuko sa dalaw

BUKING ang ipupuslit na shabu na inihalo sa ‘hotsilog’  ng isang  27-anyos babae bilang pasalubong sa dadalawin niyang kaibigang naka­ku­long nang dumaan sa inspeksiyon ng mga awtoridad sa Fairview Police Station (PS5) sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) ni P/Lt. Col. Rosendo Magsipoc, hepe ng Fairview Police Station (PS5), ang  suspek ay kinilalang si  Camie Olaguer, 27, nakatira sa Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Ayon kay Magaipoc, dakong 3:00 am, dada­lawin ni Olaguer ang kaibigang si Bon Marco Medina, na nadakip noong nakaraang bu­wan dahil sa ilegal na droga.

May dalang kanin, hotdog at itlog o “hotsilog” na nakalagay sa styro si Olaguer, pero nang siyasatin ay may nakapailalim na apat na sachet ng shabu.

Itinanggi ng suspek na sa kanya ang droga at sinabing napag-utusan lang siya ng kaanak ng kaibigan.

Hindi man naibigay ang pasalubong na ‘shabu-silog’ tuluyan nang nakasama ng ‘dalaw’ ang nakakulong na kaibigan, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Olaguer. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …