Thursday , December 26 2024
Leni Robredo Bongbong Marcos

BBM mas olats ngayon… Protesta ni Marcos dapat nang ibasura

KINOMPIRMA ng opisyal na ulat mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na mas lumaki pa ang lamang ni Vice President Leni Robredo laban kay Bongbong Marcos.

Ayon sa committee report na inilabas ng PET, nakakuha ng dagdag na 15,093 boto si Robredo mata­pos ang manual initial recount na isina­gawa sa mga probinsiya ng Iloilo, Negros Oriental, at sa baluwarte niyang Camarines Sur — mga probinsiyang si Marcos mismo ang pumili.

Dahil sa naging resul­ta, idiniin ni acting Chief Justice Antonio Carpio, na dapat nang ibasura ang protesta ni Bongbong.

Ayon kay Carpio, ginagawang katatawanan ni Marcos ang proseso sa pagpupumilit na ituloy pa ang kaniyang kaso.

Alinsunod ang pag­basura ng protesta sa sariling panuntunan ng PET, na nagsasabing dapat malaki ang maba­wi ni Marcos sa recount, upang payagang ituloy ito.

Dahil dito, lalong lumalakas ang pana­wagan ng iba’t ibang sektor na ibasura na ang kaso.

Sa mga pahayag kamakailan, sinabi ng Makati Business Club at ng iba pang grupo ng mga negosyante na dapat ay agaran nang maresolba ang kaso, upang maba­wasan ang pag-aalin­langan ng ibang investors dahil sa “political at judicial uncertainty” sa bansa.

Samantala, nagbabala ang ilang eksperto, gaya nina dating Comelec commissioner Goyo Lar­razabal at dating Supreme Court Chief Justice Arte­mio Panganiban, tungkol sa ikatlong cause of action sa kaso ni Bongbong laban sa Bise Presidente.

Anila, hindi basta-basta mapapawalang-bisa ang mga boto sa mga probinsiya ng Lanao del Sur, Basilan, at Maguin­danao, dahil magka­karoon pa ng special elections.

Nagpahayag rin ng pagtutol sa posibilidad na ito ang mga opisyal mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na tila nain­sulto sa pag-aakusa ni Marcos na nagkadayaan sa kanilang rehiyon.

Ayon kina Deputy Speaker at Basilan District Rep. Mujiv Hataman at BARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong, wa­lang duda na nanalo sa kanilang lugar si Robredo, dahil ito ang kaisa-isang kandidato na nagpakita ng interes sa dating ARMM noong kampanya.

Ayon kina Hataman at Adiong, sinadya talaga ng Bise Presidente na makadalaw doon, at labis itong tumatak sa puso ng mga taga-BARMM.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *