INIHARAP na sa media ang apat na suspek sa pagpatay sa Batuan, Masbate vice mayor na niratrat sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.
Kinilala ni MPD P/BGen. Vicente Danao ang mga suspek na sina Bradford Solis, may-asawa, taga-Camiling; Juanito de Luna, 54; Juniel Gomez, 36; Rigor dela Cruz, 38; kapwa mga taga-Camiling, Tarlac; at Junel Gomez, 36, taga-Biñan Laguna.
Hindi nakapagpigil si Lalaine Yuson, kabiyak ng napatay na si Batuan vice mayor Charlie Yuson III at halos suntukin ang isa sa mga suspek na iniuugnay bilang driver ni PCSO official Sandra Cam.
Tiniyak ni Danao, ang mga suspek na iniharap sa media ang mga naarestong suspek na sakay ng van na may plakang ACM 8804, na nahulihan din ng mahahabang armas.
Ayon kay Danao, bukod sa illegal possession of firearms, isasampa na rin ang kasong murder laban sa apat na suspek.
Isinailalim sa paraffin test sa MPD Crime Lab ang mga suspek.