Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halaman kinokopya ang breast milk

SA MASASABING kakaibang breakthrough ng mga siyentista na makatutulong nang malaki sa pag-aaruga ng ating supling o sanggol, nagawang lumikha ng mga researcher sa southern England ng kauna-unahang halaman sa mundo na naka­pagpo-produce ng breast milk o ‘gatas ng ina.’

Ayon sa inisyal na ulat, nagawa ng na­sabing mga ‘brai­niac’ na nasa likod ng pag-aaral na maka­pag-engineer ng mga halaman na lumilikha ng isang langis na kahintulad ang chemical structure ng human milk fat, na pangunahing sangkap ng breast milk.

Ang nasabing pagkakadiskubre ay sinasabing magbubukas ng ilang mahaha­lagang bagay para sa kinabukasan ng ‘bottle feeding’ sa mga sanggol—na may potensiyal makagawa ng cost effective na kopya ng gatas ng tao para sa ating mga baby.

Para sa mga hindi sapat ang kaalaman dito, nakatutulong ang natural na fat molecule ng gatas ng tao, na kung tawagin ay triacylglycerol, sa mga sanggol na ma-digest ang mga nutrient na kanilang kailangan para lumaki nang malusog. Kaya ang pag-replicate nito mula sa isang halaman ay maaaring maging ground-breaking para sa mga babaeng hindi magawang makapagpa-breastfeed.

Ayon sa mga siyentista, bibihira sa infant formula ang naglalaman ng katulad na tinutukoy nilang molecule, kaya maaaring idagdag itong sangkap sa kanilang produksiyon — na ang kahulugan ay mas madaling maa-absorb ng mga baby ang kanilang formula milk nang mas maigi.

Isinagawa ang innovative project na ito sa Rothamstead Research sa Hertfordshire sa Inglatera, na isa sa pinakamatandang agricultural research institution sa buong mundo.

Idiniin ng mga researcher sa Rothamstead na naniniwala silang tunay na pinakamainam ang breast milk para sa mga sanggol, ngunit ang kanilang breakthrough ay maaaring magbigay-daan sa malaking pag-unlad ng lahat ng uri ng milk formula para sa mga sanggol na nangangailangan nito.

Wika ng lead researcher na si Dr. Peter Eastmond: “Virtually all other organisms don’t have fat with the same structure as human milk fat, no plants do, and very few yeasts, fungi or microbes do either. My hope is that if we can find cheaper methods to produce fat that more closely resembles the structure of human milk fat, then it will be an ingredient more widely used in infant formulas and at a lower cost. It could improve infant formulas in the future.”

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …