NAGBABALIK si Lovi Poe matapos magpahinga ng limang buwan sa Amerika.
Pinagkuwento namin ang Kapuso actress ukol sa pamumuhay niya ng mag-isa sa Amerika.
“Ang sarap, it was good,” umpisang kuwento ni Lovi.
Sa isang condo unit sa West Hollywood nanirahan si Lovi habang nasa US.
Ano ang pagkakaiba na mamuhay mag-isa sa Amerika at sa Pilipinas?
“Siyempre ako ang gumagawa ng lahat doon. Ako ‘yung naggo-groceries, ako ‘yung nagluluto, ako ‘yung naglo-laundry.”
At sa Amerika ay malayo siya sa kanyang mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.
“So I made new friends. So iyon.
“Siyempre ako, I’ve been living independently here but siyempre mayroon akong kasama sa bahay na tumutulong sa akin, at siyempre nandito ‘yung pamilya ko and all, isang tawag lang, ganyan.”
Pero sa Amerika ay si Lovi lahat ang kumikilos para sa sarili niya.
“Paggising ko sa umaga, siyempre ayoko ng makalat, so iba ‘yung pakiramdam na kapag nagagawa mo ‘yung tasks mo for the day. Ang sarap ng feeling, na you put out the garbage, do your own dishes.
“Siyempre kaya ko naman gawin ‘yun, gawaing-bahay ginagawa ko naman ‘yun before noong hindi ako nagtatrabaho.
“Pero since I started working, my schedule wouldn’t give me the chance to actually do things at home.”
Ano ang pinakamalaking lesson ang natutuhan ni Lovi sa limang buwan niyang pamamalagi na mag-isa sa Los Angeles?
“Learn to appreciate what you have.
“I think that’s one of the reasons din why I actually flew out of the country, is that I feel like, of course, I’m very grateful things are going really well, but again, since it’s a routine and you don’t really get to appreciate what you have, so being away from home made me appreciate the people around me, made me appreciate my work.
“Because it’s like, having time alone, quiet time alone is probably one of the…. could be a blessing and a curse at the same time.
“Kasi parang all this time, since I was 15 years old till now, wala akong time to sit down and think and reflect.
“’Coz everyday I go to work, everyday I do a lot of things, wala akong time mag-isip, wala.
“I’ve no time to feel. Ironically, ang dramatic, pero ironically, feeling is very important in terms of acting, but it’s like it’s become like a machine for me.
“Na when I’m on set, that’s when I only feel things.
“But when I’m on a normal day, I feel like nothing!
“I feel nothing, I feel nothing.”
Pero ironically din, ang trabaho ang na-miss ni Lovi sa limang buwan na wala siya sa Pilipinas.
“Kasi ang hirap niyon eh, kasi parang pinutulan mo ako ng routine so, parang it’s like everyday I’m working, everyday I’m working and then all of a sudden, wala akong gagawin!
“Biglang, ‘Ha?! Wait, uuwi na ako!’
“Ha!Ha!Ha! Hindi, pero iyon ‘yung naging challenge for me, is to stay there and stick it out. Kasi parang I really wanted to experience living alone and yeah, getting to know myself even more, give myself that time.”
Ang maituturing niyang best experience habang nasa LA, “Learning a lot, siguro sa sarili ko. Ang dami kong natutuhan sa sarili ko na hindi ko alam na kaya ko palang gawin.”
Tulad ng…”Actually kasi I am kind of a loner. Loner talaga ako so I’m really, mahiyain and everything so noong naroon ako, roon ko na-realize na, ‘Oo nga, loner nga talaga ako.’
“Kasi kaya kong mag-isa,” at tumawa si Lovi. ”Kasi parang napapansin ko, parang, mahiyain ako sa tao, parang… of course I know how to converse and I talk to people and everything and I can socialize, go to events and everything.
“Pero may times na napi-feel ko na, ‘Bakit kaya mabilis akong mapagod when I’m like, out in public?’
“Ganyan-ganyan. Iyon pala, roon ko natutuhan kaya ko pala talaga ang mag-isa.”
Wala naman siyang masama o nakatatakot na karanasan habang nasa Amerika.
Mapapanood si Lovi bilang guest sa Beautiful Justice ng GMA.
Rated R
ni Rommel Gonzales