Monday , December 23 2024

Sanchez sablay sa ‘good conduct’

INIHAYAG ni Senadora Riza Hontivero, sang-ayon siya sa retroactive application ng Republic Act 10592 ukol sa pag­tataas ng good conduct time allowance (GCTA) na ibabawas sa jail term ng isang preso.

Ayon kay Hontiveros, ang mga nagkasala na sinserong nagsisisi at nakitaan ng tunay na pagbabago ay dapat bigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay at muling maibalik sa lipunan.

Pero binigyang-diin ng Senadora, hindi pasok sa ganitong usapin  ang rape-slay convict na si Antonio Sanchez.

“Hindi siya kalipika­do para ibaba ang kan­yang jail term. Walang ipinakitang pagbabago at pagsisisi si Sanchez. Sa katunayan, kahit naka­kulong si Sanchez ay patuloy siyang gumaga­wa ng krimen sa loob ng bilanguan.” diin ni Hon­tiveros.

Paano niya masasabi na may “good conduct” kung nahulihan siya ng P1.5 milyong halaga ng shabu nakatago sa imahe ng santo sa kanyang kulu­ngan noong 2010? Paano siyang masasabi na may mabuting asal kung patuloy siyang nabubu­hay bilang VIP sa loob ng bilanguan — may aircon at flat-screen tv?

Nananawagan si Hon­­tiveros sa mga opisyal ng Bureau of Corrections na masinsinang repasohin at maayos na tukuyin ang mga presong karapat-dapat mabawasan ng sentensiya.

Ang pagpapatupad ng bagong GCTA guide­lines ay hindi usapin ng simpleng pagkukuwenta. Mas mahalagang mapag-aralang mabuti ang pangkabuuang kondukta ng bawat bilanggo sa loob ng piitan at ihambing ito sa klase at bigat ng krimen na kanyang nagawa.

Sabi nga nila, “where crime hurts, justice should heal.” Pero paa­nong magkakaroon ng paghihilom kung walang pananagutan, walang pagsisisi, walang rehabi­litasyon at pagba­bago. Ang pagpapalaya sa isang kriminal na hindi kailanman umamin at nagsisi sa kanyang krimen at gumawa ng mga bago at malulubhang krimen sa loob ng piitan ay hindi matatawag na hustisya. Ito ay maituturing pa ngang isang krimen,” dagdag ni Hontiveros.

(CYNTHIA MARTIN)

Sanchez ‘di maaaring lumabas sa kulungan

UMALMA ang isang kongre­sista mula sa opo­sisyon kahapon mata­pos mapabalita na kasama si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa mga palalayain sa kulungan dahil umano sa “good behavior.”

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, mga datos mula sa Bilibid ay magpapakitang mara­ming nagawang paglabag sa mga patakaran sa kulungan si Sanchez.

“Established facts and records would reveal that convicted rapist and murderer Antonio San­chez violated prison rules. How in the world is smug­gling illegal drugs and contraband in his jail cell would constitute good behavior?” tanong ni Garbin, ang vice chairman ng House Committee on Justice.

Aniya, hindi dapat isama si Sanchez sa bi­lang ng nga nakalulong na nagpakita ng magandang kalooban.

“He is absolutely unqualified for the law that favors inmates who show exemplary behavior. To do otherwise is to cause ignominy and more suffering to the victims family,” paliwanag ni Garbin.

Si Sanchez ay nahatu­lan ng siyam na “reclu­sion perpetua” o higit 40 taon na pagkakakulong sa kasong rape at pagpatay kay Aileen Sarmenta at kay Allan Gomez.

Noong 2006, nahu­lihan ng marijuana sa kanyang selda si Sanchez at noong 2010 nahulihan din ng P1.5-milyong ha­laga ng shabu sa loob ng poon ni Mama Mary sa loob ng kanyang selda.

Bago nahatulan sa Sarmenta-Gomez rape-slay case, nahatulan na rin ng Korte sa Pasig ng pagpatay kina Ricson at Nelson Peñalosa, noong Abril 1991. Sila Peñalosa ay mga supporter ng kari­bal ni Sanchez sa politika.

“Only those who showed good behavior can avail of the Con­ditional expanded GCTA under R.A 10592,” ani Garbin.

Ayo kay Garbin, paiim­bestigahan niya at sisiguraduhin ang pag­papalaya sa mga preso sa pamamagitan ng “good behaviour.”

“I will file a resolution to investigate and to make sure that RA 10592 on the conditional expanded GCTA is properly implemented and that only those inmates who showed good behaviour can avail of the same,” aniya.

“Baka naman kasi ‘yong mga convicted drug lords whose serving sentence and testified during the 17th congress in the committee on Justice that they run a drug operation in collusion with the BoC personnel ay mag benefit pa rito,” dagdag niya.

Nangamba si Garbin na baka mapalaya rin ang mga nag-testify sa mga hearing ng Kamara kaug­nay sa drugs sa bilibid.

“DOJ can take judicial notice of their testimony during our drug hearing in the Justice committee. To me certainly that admission go against good behavior,” giit ni Garbin.

(GERRY BALDO)

Nahulihan ng P1.5
shabu sa Bilibid

SANCHEZ MALABO
SA PAROLE

PABOR ang Palasyo sa mungkahi ni Sen. Franklin Drilon na dapat imbesti­gahan kung kalipikado si convicted rapist-mur­derer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na magawaran ng parole.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat talagang busisiing mabuti kung qualified muna ang isang inmate sa terms na nila­laman ng batas bago mabigyan ng grant.

Umani ng batikos at pagtutol ang pagka­kabilang ni Sanchez sa isang libong potential beneficiary ng Good Conduct Time Allowance sa mga presong pasok sa itinakdang criteria.

Ani Panelo, kung mayroon man kata­nungan o concern kaug­nay dito, dapat ay idulog sa Kongreso dahil ang pag-amyenda ng ba­tas ang nakikitang remedyo ng Palasyo.

Kaugnay nito, inili­naw ni Bureau of Cor­rections (Bucor) Director General Nicanor Faeldon na maaaring hindi kalipikado sa parole dahil sa mga paglabag sa batas na ginawa ng con­victed rapist-murderer gaya ng nakompiskang P1.5 milyong shabu sa kan­yang selda noong 2010.

(ROSE NOVENARIO)

SANCHEZ, GUILTY
SA 2 MURDER CASE

BAGO ginahasa at pinatay si Eileen Sarmenta, at pinahirapan hanggang patayin si Allan Gomez, nilitis at nahatulan na ang dating alkalde ng Calauan, Laguna na si Antonio San­chez sa dalawang kaso ng murder.

Noong 13 Abril 1991, pinagbabaril hanggang mamatay ng mga tauhan ni Sanchez ang mag-amang Nelson at Rickson Peña­losa.

Sinasabing si Nelson ay dating lider at taga­suporta ng kalaban ni Sanchez sa politika.

Napatunayang res­ponsable sa pagpaslang sina Sanchez tatlong iba — kabilang si Luis Corcolon, kapwa niya akusado sa Sarmenta-Gomez rape-slay case — dahil sa testimonya ng isa niyang police escort.

Nilitis ang kaso sa Branch 160 ng Pasig Regional Trial Court, hang­gang lumabas ang hatol noong 1996.

Isang taon bago ito, hina­tulan ng Pasig RTC Branch 70 sa salang pang­gagahasa at pagpatay kay Sarmenta, at pagpatay kay Gomez si Sanchez at ang kanyang mga tauhan.

Pinagtibay ng First Division ng Korte Suprema sa pamamagitan ni Associate Justice Alicia Austria-Mar­tinez ang mga hatol ng dala­wang mababang hukuman noong 1999.

Sa kabuuan, nahatulan ang dating alkalde ng siyam na reclusion perpetua, o pagkakakulong ng hindi bababa sa 40 taon.

May ulat din lumabas na sinampahan ng reklamo si Sanchez matapos mahu­lihan ng marijuana sa loob ng piitan.

Apat na taon ang lumipas, muling lumutang ang pangalan ni Sanchez nang matagpuan ang P1.5 milyong halaga ng shabu na nakatago sa isa sa mga imahen ng Birheng Maria sa loob ng kaniyang selda sa Maximum Security Com­pound ng New Bilibid Prison.

Makalipas ang limang taon, nasamsam sa selda ng dating alkdalde sa isang raid sa Maximum Security Compound ang isang flat-screen TV, air conditioner, at refrigerator.

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *