Tuesday , December 24 2024

‘Cover-up’ sa Customs ibinuking

IBINUNYAG ni Bureau of Customs (BoC) district collector, Atty. Erastus Sandino Austria na patuloy pa rin ang sindi­kato sa loob ng ahensiya, sa kabila ng pagpu­pur­sigi ng Duterte admi­nistration na ito’y linisin.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Austria, isa sa patunay ang ginawang ‘cover-up’ sa P1-bilyong halaga ng ‘Tapioca shipment’ na nakalabas ng daungan at nakarating sa isang warehouse sa Malabon City noong 24 Mayo 2019.

Anang opisyal, naka­rating ang shipment na may lamang shabu, nagkakahalaga ng P1 bilyon, sa Malabon maka­raang isubasta ng BoC sa publiko.

Aniya, kataka-taka na nakalusot ito sa ka­may ng customs officials at PDEA na kalaunan ay gumawa ng statement na isa itong ‘controlled ship­ment’ at bahagi ng isang entrapment operation.

Naging depensa ng BoC at PDEA na sadyang ipinasubasta ang ship­ment para madaling makilala at matunton ang drug smugglers at sa pamamagitan ng bidding ay madaling madakip sa entrapment operation.

Nagpalabas umano ang BoC ng statement na nagsasabing ang opisina ni Austria, noo’y taga­pagsalita ng Kagawaran, ang naglabas ng pahayag kaugnay sa pakay na pag­pa­pasubasta sa ‘Tapioca shipment.’

Mariing tinutulan ni Austria ang pagpa­pa­labas ng statement dahil batid niya na ang lahat ay ‘fabricated.’

Sinabi ni Austria, kanya niyang pinaala­lahanan si Commissioner Rey Guerrero na kuwes­tiyonable ang ‘Tapioca shipment’ na pinayagan ng ahensiya para isubas­ta.

Dagdag ni Austria, sa kabila ng kanyang pagtu­tol sa statement ay ipi­nag-utos rin ni Guerrero sa staff ni Aus­tria na ilabas ang state­ment hing­gil sa planong subasta.

Kaugnay nito, isini­walat ni Austria na isang “Del Rosario Group” ang isa sa sindikato na guma­galaw sa BoC.

Sa kabila nito ipinag­malaki pa rin ni Austria na tumaas ang revenue collection ng ahensiya sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *