Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lovers syota posas arrest

Magdyowa swak sa hoyo sa P3.4M shabu

SA kulunghan bu­mag­­sak ang live-in partners nang makom­piskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust ope-ration sa Brgy. Mang-gahan, Pasig City, mada-ling araw kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QC-PD) Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr.,  ang mga naarestong sus­pek na sina Mark Kim Cudia, 28, miyembro ng Bahala na Gang, at resi­dente sa Brgy. Kaunlaran, Cubao, at Patricia Jane Dayta, 19, ng San Juan City.

Dakong 5:02 am nang maaresto ng puwersa ng QCPD Cubao Police Sta-tion (PS 7), Eastern Police District (EPD), at Philip-pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ka-ginha­wa­han St., kanto ng Kaaga­pay St., Karanga-lan Village, Brgy. Mang-ga­han, Pasig City, ang mga suspek. Ang ope-rasyon ay bunga ng nau-nang buy bust na isina­gawa ng QCPD dakong 11:00 pm kamakalawa sa Apart-ment Corridor, na mata-tagpuan sa 826 Aurora Blvd., Brgy. Kaunlaran, Cubao, na nagresulta sa pagkaka­dakip kina Joy Caba­cungan, alyas Ma-dam, 37, ng Brgy. Kaun-laran, at Reynaldo Apos-tol, 33, ng Brgy. San Mar-tin De Porres, na nahu-lihan ng 15 pakete ng shabu at buy bust money. Sa intero-gasyon, itinuro ng mga suspek si Cudia na pinag-kuku­haan niya ng suplay ng ilegal na droga.

Agad nagsagawa ng panibagong buy bust ope-ration ang mga awtoridad at bumili ng P20,500 ha-laga ng shabu mula kay Cudia, na nagresulta sa pagkaka­dakip sa kanya at sa kanyang kasabwat na si Dayta. Nakompiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 500 gms. shabu, na tinatayang may P3.4-M halaga, digital weighing scale, isang Suzuki Raider motor-cycle at buy bust money.

Sa imbestigasyon, si Cudia ay una nang na-aresto noong 2017 sa ile-gal na droga, pero napa-laya, sa plea bargaining noong Nobyembre 2018. Nakakulong ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Re-public Act 9165 o The Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002. (A. DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …