Monday , December 23 2024
kiko pangilinan

Kiko nagbitiw sa LP (Drilon nalungkot, Pangilinan pinuri ng Palasyo)

NAGBITIW na si Senador Francis Kiko Pangilinan sa puwesto bilang pangu­lo ng Partido Liberal sa kanyang isinumiteng liham kay LP Chair­person, Vice President Leni Robredo.

Nakasaad sa liham ni Pangilinan, nagbitiw siya bilang pangulo ng LP matapos ang pagkatalo ng lahat ng kandidato ng Otso Diretso. Bilang siya ang tumatayong cam­paign manager, ay tina­tanggap ang lahat ng full responsibility sa pagka­talo ng pambato ng oposisyon.

Ayon kay Pangilinan, hindi niya naipanalo ang Otso Diretso at bilang delikadeza kailangan niyang magbitiw sa puwesto na magiging epektibo sa 30 Hunyo 2019.

Kasabay nito, patuloy pa rin na kinukuwestiyon ni Pangilinan ang 7-hour glitch, ang pagkasira ng mga voted counting machines at SD cards na dapat aniya’y ipaliwanag ng Commission on Elections (Comelec).

(CYNTHIA MARTIN) 

Drilon nalungkot

LABIS na nalulungkot si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gina­wang pagbibitiw ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang pangulo ng Partido Liberal.

Ayon kay Drilon, hindi nito inaasahan ang magiging hakbang ni Pangilinan matapos ma­ta­lo ang lahat ng kandidato ng Otso Diretso sa katatapos na halalan.

Si Pangilinan ang naging campaign man­ager ng Otso Diretso nitong 2019 election.

Pinuri ni Drilon si Pangilinan sa pagsisikap at todo kayod nitong kampanya para mai­panalo ang Otso Diretso.

Sa kabila ng pagbi­bitiw ni Pangilinan, uma­asa si Drilon na maba­bago pa ang isip ng senador dahil kailangan nila ng tulad ni Pangilinan bilang Pangulo ng Partido Liberal.

Nais rin hikayatin ni Drilon ang party members na huwag tanggapin ang resignation ni Pangilinan.

Nagbitiw kahapon si Pangilinan sa puwesto bilang pangulo ng Partido Liberal sa kanyang isinu­miteng liham kay LP Chairperson Vice Pre­sident Leni Robredo.

Nakasaad sa liham ni Pangilinan, nagbitiw siya bilang pangulo ng LP matapos ang pagkatalo ng lahat ng kandidato ng Otso Diretso.

Bilang tumatayong campaign manager ay tinatanggap ni Pangilinan ang lahat ng full respon­sibility sa pagkatalo ng pambato ng oposisyon.

Ani Pangilinan, hindi niya naipanalo ang Otso Diretso at bilang deli­cadeza kailangan niyang magbitiw sa puwesto na magiging epektibo sa 30 Hunyo 2019.

Pangilinan pinuri

PINURI ng Palasyo ang pagbibitiw ni Sen. Francis Pangilinan bilang pangulo ng Liberal Party dahil sa pagkatalo ng mga kan­didato ng Otso Diretso sa katatapos na midterm elections.

“Thats commendable, he accepts defeat,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, kaya natalo ang oppo­sition bets ay dahil mas naniniwala ang publiko kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sa amin kaya natalo sila dahil ang taongbayan ay hindi naniwala sa kanila, mas naniwala kay Presidente Duterte,” aniya.

“Kasi ang ginawa nilang referendum kay Presidente Duterte. ‘Yan ang banat nila e. This is a referendum of the per­formance of this President. ‘Yan ang issue e. They didn’t raise the issue against the can­didates endorsed by the President or mayor Sara. But they concentrated and focused on the performance of the President and the issues raised against him and the people simply repudiated them,” giit ni Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *