Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Nakaraang earthquake drill ng gobyerno para sa “The Big One” hindi epektibo

ANG earthquake drill na inilunsad ng ating gobyerno ng ilan ulit para sa tinaguriang “The Big One” ay tila hindi epektibo at wa-epek sa mismong oras ng lindol kagaya nang naganap kahapon sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya partikular sa Pampanga at Zambales.

Ang mga dry-run o sinasabing practice ng mga earthquake drill ay naging matagumpay hanggang sa practice nga lang nguni’t palpak ito nang dumating mismo sa realidad at mismong kaganapan.

Ang lindol na naganap noong Lunes, 5:11 pm at naitalang magnitude 5.7 sa Maynila at 6.1 sa Zambales ang nagpatunay na hindi applicable ang mga inilunsad na earthquake drill partikular para sa “the big one.”

Kung pagmamasdan ang mga naging reak­siyon ng mga tao ay nagmistula itong mga manok na walang ulo na walang ginawa kundi magsi­gawan, mag-iyakan, mataranta na sa simpleng salita ay puno ng panic.

Naging matagumpay lang na ating naob­serbahan ay nang kumalma na ang lindol dahil nakita na natin na ang mga taong  nagbabaan at naglabasan sa matataas na gusali ay behave nang lahat sa labas ng lansangan at mga kalye. Maliban dito ay wala nang naisagawang mga precautionary measure kagaya ng mga tinuro nila sa earthquake drill.

Ang pinakamagandang nangyari ay nasa bakasyon na ang karamihan ng mga mag-aaaral at mga estudyante na nakabawas ng taranta at panic sa naganap na lindol.

Kung titingnan natin sa literal ay maaaring ito ay wake-up call ng Maykapal hinggil sa mga nagiging kaganapan sa ating bansa.

Malaki ang posibilidad na ipinapahiwatig niya sa sambayanang Filipino na tayo’y magbuklod-buklod na at magkaisa sa panunumbalik ng kapayapaan sa ating bansa.

May posibilidad rin na ito ay panawagan para sa lahat ng mga politiko at kakandidato sa nalalapit na mid-term election sa 13 Mayo na sila ay maging totoo sa kanilang magiging tungkulin sa bayan at mamamayan.

Pinaparamdam din siguro sa lahat ng mamamayan na huwag pagamit sa mga politiko at siguraduhing sila ay magiging isang matalinong constituent at hindi isang bobotante.

Nawa’y ipagdasal natin ang isa’t isa na manatiling ligtas at kalmado sa lahat ng mangyayari. Sana’y maging matapang, matatag at mapanatili ang nakaugalian nating bayanihan para sa kapwa nating Filipino sa buong kapuluan.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *