Wednesday , December 25 2024

Panibagong utuan, pasakayan na naman

ASAHAN na natin ang panibagong mga utuan, pasakayan sa balat ng mani at lagayan sa panimula ng kampanya para sa mga kandidatong nasyonal para sa mga senador at party-list.

Labing-dalawang bakanteng slot sa Senado ang pagla-labanan ng 70 kandidato. May mga antigo, reelectionist, new comer at mga saling-cat o mga panggulo na tinaguriang nuisance candidates na  nagta-trying hard.

Siguradong may iba-ibang estilo ng panga­ngampanya mula sa pakamay-kamay, pakaway-kaway hanggang sa beso-beso o cheeks to cheeks.

May matatamis mangusap at magsalita, may mga mangangako ng kung ano-anong malayo sa katotohanan at walang kaganapan. Sigurado namang mararamdaman natin kung totoo o nagpapapogi lang, pero sa totoo lang ang pinaka-common denominator ay puro kasinungalingan.

Sigurado at siyento-porsiyentong ‘bibilhin’ at liligawan tayo sa maski anong paraan kapalit ng ating boto kapag natantiya na ang ating pag­katao.

Marami sa kanila ang mga reelectionist na gustong makabalik muli sa kapangyarihan na hindi natin alam kung ano ang kanilang mga motibo, bitin pa ba sila sa pagseserbisyo o kung bitin pa at ‘di pa sapat ang kanilang nakurakot.

Maaaring kulang pa at ‘di pa nababawi ang kanilang ipinuhunan at ipinusta sa kampanya at kung ano-ano pang bagay na kanilang ipinaagaw sa madlang people.

Dapat tayong mag-ingat dahil siguradong wala silang sasayanging oras at pagkakataon para makabawi o makatabla man lang sa kanilang ipinusta.

Pagbasehan din natin ang kanilang track records kung sila ay talaga bang nakatulong, nakabigat o nagpapogi lang hanggang matapos ang kanilang termino.

Alam din nating lahat na ang ilan sa re­electionists ay nakulong sa kasong plunder o pandarambong na inabsuwelto lang ng korte kamakailan.

Hindi rin kaila sa atin na pagkalabas na pagkalabas ay political career agad ang kanilang inasikaso at inintindi. Ano ang ibig sabihin nito?

Kung sa bagay may posibilidad na gusto nilang linisin ang kanilang pagkatao, maaaring may gusto silang patunayan at puwede rin na gusto nilang makabawi? He he he… malalim ang ibig sabihin ng bawi kung kaya’t may laban nga o bawi.

Marami rin sa mga kababayan natin ang bayu­bay at halos diyosin ang mga kumakandidatong artista lalo ang mga action star. Sana naman ay isaksak natin sa ating mga kukote na hindi action star ang kailangan natin kundi isang action man.

May kasabihan tayo na si Mac Arthur lang ang naka-balik, malalaman natin ngayon kung totoo o mababali ang kasabihang ito base  sa magiging porsiyento ng mga re-electionist na muling makababalik sa kapangyarihan.

May ilang buwan pa tayo para pag-aralan mabuti ang mga kandidatong ating ihahalal at iluluklok sa kapangyarihan.

Sa muli po mga katoto tayo’y maging matalinong botante at huwag maging isang bobotante.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *