Sunday , August 10 2025

I love you haters! — Mar Roxas

PAGMAMAHAL na lang ang kayang isukli ni senatorial candidate Mar Roxas sa kanyang social media bashers, mga kriti­ko at haters.

Ayon kay Roxas na dating Trade and Indus­try at DILG secretary, ang tingin niya sa mga kritiko ay parang mga kaibigan na lamang na nagpa­pa­alala sa kanya na guma­wa lagi nang tama at mag­sulong ng mga programa para sa bayan.

“Masigla ang ating demokrasya, may kala­yaan ang lahat na magsabi ng kanyang mga saloobin sa anomang bagay at ihayag ang kanilang pagtingin sa kanino mang tao, iyong mga kritiko ko, hindi naman sila bago, palagi ko naman silang nakikita at naririnig kaya natutuhan ko na silang mahalin,” sabi ni Roxas na dati rin naging kongre­sista at senador.

Gayonman, sinabi ni Roxas na hindi naman mapapatigil ng mga batikos ang kanyang mga gustong isulong na pag­babago sa kabuha­yan ng mara­ming jobless citi­zens, pagpapalawak ng BPO o business process outsourcing na sinimulan niya noong nasa DTI pa siya at pagbabantay sa mga presyo ng bilihin.

“At the end of the day, alam kong matutu­han din akong mahalin ng aking haters dahil kapag nag-imbentaryo sila ng mga nagawa ko para sa bayan, makikita nila ang sinseridad ng aking la­yunin,” sabi ni Roxas na patuloy ang pagtaas ng ranking sa ginagawang surveys ng SWS at Pulse Asia.

Hinikayat ni Roxas ang kanyang mga mahal na kritiko na mag-isip din ng mga plano para sa bayan at huwag lamang ubusin ang lakas sa pag­batikos sa kanya upang magkatulong ang lahat sa pagsasaayos ng bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …

Lipstick Risa Hontiveros

Senadora pinag-usapan sa mumurahing lipstick

GINAWANG headline kamakailan ang lipstick ni Senator Risa Hontiveros dahil mumurahin lamang ito. Ayon sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *