Monday , December 23 2024

Juvenile Justice Act sablay

IGINIIT ni Senate Presi­dent Vicente Tito Sotto III na hindi ang imple­men­tasyon ang sablay sa ipinatutupad na Juvenile Justice Welfare Act kundi ang batas mismo.

Ito ang naging sagot ni Sotto sa pagdinig sa senado na kakulangan sa pondo kung bakit suma­blay ang implementasyon ng naturang batas.

Lumabas sa pagdinig na kaya pinakakawalan ang ilang kabataan na sangkot sa heinous crime tulad ng rape dahil sa kakulangan sa bahay pag-asa, kawalan ng pondo para ipatupad ito ng local government units.

Nakasaad kasi sa ba­tas na ang LGUs ang na­ma­­mahala at lilikom ng pondo para sa pagpa­patayo ng bahay pag-asa.

Ayon kay Sotto iyon ang mali sa batas na ipinaubaya sa LGUs ang paglikha ng pondo para sa bahay pag-asa.

Giit ng senador palibhasa hindi naging local government official ang mga gumawa ng batas na Juvenile Justice Welfare Act.

Naniniwala si Sotto na hindi kakayanin ng LGUs na pondohan ang mga bahay pag-asa kaya naging palpak ang batas.

Ayon sa Senador, sa kanilang isinusulong na batas na bukod sa pag­baba sa criminal liability, isinusulong din nila na ang national government ang dapat magpondo sa bahay pag-asa na paglalagyan ng minor offenders.

Aniya ang DOH, DILG at ang DSWD ang mamamahala sa bahay pag-asa na kanilang isi­nusulong upang maging epektibo ito.

Hindi naman pabor si Sotto sa pagbaba sa 9 anyos ang criminal lia­bility sa halip mas naaa­yon aniya ang 12 anyos kung ibabase sa standard ng United Nation.

Inilinaw din ni Sotto na hindi sa kulungan dadalhin ang 12 anyos na lalabag sa batas tulad ng haka-haka ng mga tutol sa panukala.

Ipinakita ni Sotto ang nakuhang records sa PNP noong taon 2018 na uma­bot sa 1.813 kaba­taan mula edad 17 anyos pa­ba­­ba ang nasangkot sa pagnanakaw, 1,086 sa kasong physical injuries at 862 ang nahaharap sa kasong rape.

Pinakamarami ang kabataan na edad 17 anyos pababa ang na­sang­kot sa kasong theft na umabot sa 3,905 noong taon 2016.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *