Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1,000 deboto, nasaktan 3 itinakbo sa ospital

Bago mag-6:00 pm, umabot sa 1,070 katao ang nangailangan ng atensiyong medikal sa gitna ng Traslacion 2019 nitong Miyerkoles, 9 Enero.

Sa ulat ng Philippine Red Cross, 10:00 am pa lang ay 578 deboto ang nilapatan nila ng pang-unang lunas.

Ayon sa Red Cross, 25 ang klasipikadong ‘major case’ na tatlo ang dinala sa ospital kabilang ang isang senior citizen na nasa kritikal na kondisyon nang siya ay matapakan ng iba pang mga deboto sa gitna ng prusisyon.

Pagkahilo, hirap sa paghinga, pamamaga ng paa, pagdugo ng ilong, pagkatusok ng matutulis na bagay, hypoglycemia, at pamamaga ng paa ang karaniwang dahilan ng pangangailangan ng pang-unang lunas.

Kasama sa mga na­sak­­tan ang isang debo­tong nahulog sa andas matapos tangkaing hawa­kan ang mapaghimalang imahen ng Poong Itim na Nazareno.

Nagtalaga ang Philip­pine Red Cross ng 1,000 volunteer, 12 estasyon para sa pang-unang lunas sa kahabaan ng ruta ng Traslacion, 50 ambu­lan­siya , 1 emergency medical unit, 1 rescue truck, at iba pang pasilidad at kaga­mitang pangmedikal.

Inalerto ng Depart­ment of Health ang lahat ng ospital na manatiling nasa “Code White” upang masegurong handa ang lahat sa pagtugon sa mga emergency case.

Nagtalaga ang Philip­pine Coast Guard ng 31 floating assets sa paligid ng Quirino Grandstand at sa Ilog Pasig kasama na ang medical personnel sakay ng mga rubber boat na nakaabang sa Jones Bridge na nagdudugtong sa Ermita at Binondo.



Traslacion 2019: Payapa pero ‘umapaw’ sa basura

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign  wa-epek  sa deboto

Basura ‘umapaw’ sa Traslacion ‘zero-waste’ campaign wa-epek sa deboto



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …