Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dagdag buwis sa gasolina, negative vibes sa 2019

NAG-AALALA si Sen. Bam Aquino na mali ang simula ng pamahalaan sa 2019 sa pagpayag nitong dagdagan ang buwis sa produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, sa pagsasabing bibigat pa ang pasanin ng taongbayan sa mataas na presyo ng bilihin.

“Ang pinakamainam na New Year’s resolution para sa bayan ay bawasan ang pahirap sa mamamayan,” wika ni Sen. Bam, isa sa apat na senador na kumontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.

“Nalulunod pa nga sa mataas na presyo ng bilihin ang ating mga kababayan, may dagdag buwis pa ulit. Tulungan sana natin ang mahihirap nating kababayan,” dagdag ni Sen. Bam, na kamakailan ay nanawagan din sa 100 porsiyentong pagpapatupad ng batas sa libreng kolehiyo.

Nais sana ni Sen. Bam na ipagpaliban muna ng gobyerno ang pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng excise tax sa produktong petrolyo hanggang maging normal ang inflation rate at bumaba ang presyo ng pagkain at iba pang produkto.

Batay sa ikalawang bahagi ng excise tax, papatawan ng dagdag na dalawang pisong buwis ang gasolina at diesel habang piso naman ang gaas at LPG sa 2019.

Isinusulong ni Sen. Bam ang rollback ng buwis sa langis sa ilalim ng Bawas Presyo sa Petrolyo Bill na kanyang isinumite noon pang Mayo 2018.

Layon ng panukala na ayusin ang TRAIN Law sa pamamagitan ng suspension at rollback ng excise tax sa langis kapag lumampas ang inflation rate sa target ng pamahalaan nang tatlong sunod na buwan. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …