Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maggie at Bea Rose, binira ng fans ni Catriona

BUKOD sa dalawang commentator ng Miss Universe 2018 na sina Carson Kressley at Lu Sierra na binansagang plastic ng fans ni Miss Universe 2018, Catriona Gray, isinama rin nila sina Maggie Wilson at Bea Rose.

Dahil sa pagiging bias sa pagbibigay ng komento during Miss Universe pageant ang kinainisan ng fans. Mukha kasing hindi bet ng dalawa si Catriona. Maging sina Maggie at Bea ay binansagang Pambansang Plastikada rin dahil isa sila sa bumatikos nang magwagi si Catriona ng Best In Swimsuit.

Komento noon ni Maggie, “Huh, best in swimsuit? Paano? I mean, pretty face but definitely not the best body out there.”

Bira naman ni Bea Rose, “It should not be all about the face. 14 should win best in swimsuit!!!! Jeez her bodyyyyyyy she worked out!!! #bbpilipinas2018 #swimsuit.”

Kaya naman na beastmode ang mga supporter ng MS U 2018 at nagpahayag ng galit. “’Yan nga eh, matagal ng patay ‘yang issue, sila sila rin naman ni Bea ang bumuhay sa issue by talking about it in their socmed accounts. Ayaw tumigil just because nanalo si Catriona.”

“So asan ang resibo. Nung magkukuda sila nasa socmed, dapat nag apologize siya the day after sa socmed din so that everyone could see. So ngayon nag apologize publicly dahil nanalo na si Catriona.”

“So bakit hindi sila publicly nag apologize last March, kasi hiniya nila yang Catriona publicly. Napaka late naman ng apology nila ngayon lang.”

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …