Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aileen Lizada LTFRB CSC
Aileen Lizada LTFRB CSC

Lizada ng LTFRB inilipat sa CSC

INILIPAT ng puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating LTFRB spokesperson Aileen Lizada.

Sa inilabas na ap­point­ment paper ng Pa­lasyo, itinalaga ni Pangu­long Duterte si Lizada bilang commis­sioner ng Civil Service Commission (CSC).

Si Lizada ay mag­sisilbing commissioner ng CSC, na may terminong magtatagal hanggang 2 Pebrero 2025, kapalit ni Robert Martinez.

Matatandaan, nag­bitiw bilang tagapag­salita ng LTFRB si Lizada dahil sa umano’y hindi nila pagkakasundo o pagka­ka­roon nila ng magkai­bang opinyon ni LTFRB chairman Martin Delgra.

Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Duterte bilang undersecretary  ng Department of Agri­culture si Waldo Reyes Carpio, bayaw ni Davao City Mayor Sara Duterte at kapatid ng mister niyang si Atty. Mans Carpio.

Habang itinalaga ng Pangulo bilang am­bassador extraordinary and plenipotentiary for the Republic of Chile si Teresita Cruz Daza.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lumang gawing …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara nitong Huwebes – ang …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …