Tuesday , February 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEX
ni Jun Nardo

ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro sa mga tao sa buong bansa ang slogan ng ahensiya ang, Responsableng panonood.

Nang mag-courtesy call ang bagong pamunuan ng MMPRESS o MultiMedia Press Society kay Chairwoman Lala, ibinalita niyang nagsasagawa ang MTRCB ng meeting, seminars, at iba pang information campaign para sa slogan ng ahensiya.

Kagagaling lang sa Dubai ni Chairwoman Lala para daluhan ang MMFF concert sa malaking venue roon. Present ang sikat nating performers gaya ni Bamboo at ang stars ng MMFF movies na nakihalubilo sa fans.

Sinabi ni Chair Lala na walang screening ng movies ng MMFF. Successful din ang concert na dinaluhan din ni First Lady Liza Marcos.

Natanong din namin sa kanya ang ukol sa pagsailalim ng MTRCB sa streaming apps gaya ng Netflix, Viu at iba pa.

Nag-usap kami ng namamahala rito na magtulungan sa regulations ng ipinalalabas nila.

“Marami sila. Eh kakaunti lang ang members ng MTRCB. Kaya hindi namin kakayanin na rebyuhin lahat ng nasa streaming apps na palabas,” rason ng MTRCB Chairwoman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Shira Tweg Tine Areola Bambbi Fuentes Direk Louie Mantsa

Shira Tweg at produ na sina Tine Areola and Bambbi Fuentes, may patikim sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA nang mag-shooting si Direk Louie Ignacio para sa pelikulang …

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …