Debbie Lopez

Newbie singer pangarap mai-guest sina Ice at JM

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA ang 2026 ng baguhang singer na si Debbie Lopez dahil sunod-sunod ang proyektong gagawin ngayong taon.

Tsika ni Debbie, “This february i’m going to record my new song titled ‘Show me the Night.’

“It’s a romantic ballad song na ‘yung hinihintay ng lahat na collaboration namin nina sir Mon Del Rosario at ng composer ng song.

Tapos may RNB song akong ire-record this coming June and isang danceable song na tatlo ‘yung language—Visaya, Tagalog and English.”

By this year ay plano nitong makapag-record ng five songs and soon ay gagawin niyang full album.

Magkakaroon din ito ng bonggang birthday concert, na tina-target nitong maging special guest si Ice Seguerra o ang kanyang crush na si JM De Guzman.