Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Go KKDAT Kabataan Kontra Droga at Terorismo
Bong Go KKDAT Kabataan Kontra Droga at Terorismo

Kabataan Kontra Droga at Terorismo inilunsad (Sa Davao City)

PINANGUNAHAN ni dating Special Assistant to the People SAP Christopher “Bong” Go ang paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDT) sa Davao City, kamakalawa.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Go ang mga mag-aaral sa high school mula sa pribado at pampublikong paaralan na iwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil walang kabutihang maidudulot ito sa buhay at sisirain lamang ang utak ng tao.

Hinimok niya ang mga estudyante na maglaro ng basketball kaysa magdroga.

Upang matulungan aniya ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs, ay mag-iikot  siya sa buong bansa upang hikayatin ang publiko na maglaro ng basketball imbes mag-droga.

Sa naturang pagtitipon, hiningi ni Go ang suporta ng mga kabataan sa kampanya ng Pangulo laban sa illegal drugs at ipinatutupad na batas militar sa Mindanao laban sa terorismo.

Sa ngayon, ayon kay  Go, nagsusumikap ang pamahalaan  na maibangon muli ang  Marawi at maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente. (ROSE NOVENARIO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …