Thursday , August 14 2025

Mas ligtas, maayos na evacuation centers (Para sa calamity victims) — Bong Go

MAS ligtas at maayos na evacuation centers para sa mga biktima ng kala­midad.

Ito ang isa sa naka­paloob sa legislative agenda ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go kapag pinalad sa kan­yang pagsabak sa 2019 senatorial polls.

“Panahon na po para magpatayo ng safe na evacuation centers na may kompletong pasilidad — may CR, may higaan, para komportable naman sila habang hinihintay maayos ang kanilang bahay,” ani Go sa pagbi­sita sa mga nasunugan sa Quiapo, Maynila kama­ka­ilan.

Ang pagtatayo aniya ng ligtas na evacuation centers ay mainam na paghahanda sa anomang aksidente o kalamidad na darating sa isang lugar.

Bukod sa Quiapo ay binisita rin ni Go ang mga nasunugan sa Cagayan de Oro City at Makilala, North Cotabato at nami­gay ng relief goods sa mga biktima.

Mamamahagi rin siya ng mga uniporme para sa mga mag-aaral at mga manggagawa.

Tiniyak niya na ipara­rating sa National Housing Authority (NHA) ang kahilingan ng mga nasunugan na ma­big­yan ng pabahay at ang mga nais magbalik pro­bin­siya ay bibigyan ng pasahe.

Hinikayat niya ang mga nais magpagamot na pumunta sa pinaka­malapit na Malasakit Center upang matulu­ngan ng mga ahensiya ng gobyerno.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

DOST-CAR Showcased Science, Technology, and Innovation Milestones in Baguio City and Benguet

DOST-CAR Showcased Science, Technology, and Innovation Milestones in Baguio City and Benguet

As part of the 2025 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) celebration in the …

PUSO NAIA

‘PUSO ng NAIA’ naghain ng petisyon sa Supreme Court vs mega hike fees

ISANG koalisyon ng airport workers, socio-civic organizations, at non-government groups ang naghain ng petisyon sa …

Maria Catalina Cabral Manuel Bonoan

Usec Cabral, papalit kay DPWH Sec. Bonoan?

MAY napili nang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highway (DPWH) si Pangulong …

Comelec Elections

Election laws nilabag
2 tauhan ni  Lino Cayatano kinasuhan sa Comelec

MATAPOS  matalo sa laban para sa congressional seat sa Unang Distrito ng Taguig, dalawang malalapit …

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *