Tuesday , November 26 2024
Eddie Garcia
Eddie Garcia

Eddie, wagi sa awards, magwagi rin kaya sa takilya?

BEST Actor na naman ang 80 plus years old nang si Eddie Garcia sa Quezon City International Film Festival (ngayong October 30 ito magtatapos) na mas kilala sa bansag na QCinema. Nagwagi siya noong Biyernes ng gabi, October 26, sa awards ceremonies na idinaos sa Novotel, Cubao, QC, para sa pagganap n’ya sa Hintayan ng Langit bilang isang matabil na matandang makikita sa purgatoryo ang ex-girlfriend n’ya (na ginampananan ni Gina Pareno) na talaga naman palang hinihintay siya roon.

May pagka-romcom (romantic comedy) ang pelikula bagama’t tungkol nga ito sa senior citizens na yumao na! Kung parang kakatwa ang kuwento ng pelikulang ito, dahil siguro ‘yon sa pagiging stage play muna nito bago maging pelikula. Stage play ito na ipinalabas sa Virgin Labfest ng Cultural Center of the Philippines two years ago, at isinulat ni Juan Miguel Severo na siya ring lumikha ng script ng pelikula para kay Direk Dan Villegas.

Parang mas matindi ang imahinasyon ng mga nagsusulat para sa teatro kaysa mga nagsusulat para sa pelikula.

Gayunman, bukod sa Best Actor, ang napanalunan lang ng Hintayan ng Langit ay ang Audience Choice Award. Siguro naman, ibig sabihin din niyon ay pinakamalaki ang kinita ng pelikula hanggang gabi ng awards ceremonies.

Maalala n’yong nanalo ring Best Actor si Eddie sa Cinemalaya nitong Agosto lang para sa pagganap n’ya sa ML bilang isang matandang colonel na may saltik (dementia) na at pinagkamalang aktibistang komunista ang tatlong estudyante na ang isa ay nagri-research lang tungkol sa martial law sa Plilipinas noong Dekada 70.

Aktibo pala ang colonel noon sa pagto-torture ng mga nahuhuling aktibista. Noong inosenteng tanungin siya ng isang estudyante (ginampanan ng baguhang si Tony Labrusca)  tungkol sa Martial Law, sumaltik ang utak n’ya at inisip n’yang naka-Martial Law pa rin ang bansa, at batang komunista si Tony.

Pumangalawa sa kita sa takilya sa nakaraang Cinemalaya ang ML.

Pumangalawa sa Liway ang ML. Ang Liway ang tungkol talaga sa Martial Law sa bansa, at gumanap sa pelikula si Glaiza de Castro bilang isang rebelde na namundok, nahuli, at nagpalaki ng anak na lalaki sa loob ng detention center, kasama ang kanyang mister na rebelde rin.

Nai-release na commercially ang Liway, at mahirap magagap kung bakit parang ‘di pinagkaguluhan sa mga sinehan ang pelikula. May napabalita pang sa ilang sinehan ay nag-first-day/last-day ang pelikula. Sikat naman si Glaiza na siyang bida sa pelikula, pero baka dahil ipinamalitang politikal ang pelikula kaya ‘di naengganyo ang madla na dumagsa sa panonood nito. Ang dapat siguro ay ipinamarali ito bilang istorya ng kadakilaan ng isang ina.

Nakatakdang ipalabas commercially ang ML sa November 7. Ang Solar Pictures ang magri-release nito. Bilang suspense-thriller na ito ipina-publicize ngayon, hindi na bilang anti-martial law movie.

Makatakas kaya ang tatlong estudyanteng ikinulong ng matandang colonel sa kanyang basement at pinagkatuwaang i-torture para paamining mga komunista sila?

Magwagi kaya uli sa takilya nationwide ang pelikulang ML ni Eddie, gaya ng pagwawagi nito sa takilya ng Cinemalaya? Makatulong kaya sa paghatak ng manonood sa ML ang pananalo ni Eddie bilang Best Actor ng QCinema?

Ang ML ay idinirehe ni Benedict Mique, na ang edad ay halos millennial pa rin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Lloyd Samartino

Lloyd Samartino naranasang makorner ng direktor

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang kuwento mismo sa amin ni Lloyd Samartino na noong araw pa …

Carlo Aquino Enola Mithi Julia Barretto Hold Me Close

Carlo sa anak na si Mithi — hold me close

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAPAG-CATCH UP up sina Carlo Aquino at Julia Barretto habang ginagawa ang pelikulang Hold Me Close na …

Robbie Jaworski Dodot Jaworski Mikee Cojuangco ABS-CBN Star Magic

Robbie Jaworski umamin crush sina Kim, Maris 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PORMAL nang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN talent management na Star Magic ang …

Regine Velasquez

Regine tanggap na lipas na ang panahon — I can no longer compete with the young ones

MA at PAni Rommel Placente SA inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez …

Vilma Santos Uninvited Espantaho

Ate Vi nilinaw pagpili sa Uninvited kaysa Espantaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI itinago ni Vilma Santos na excited siyang makasama si Judy Ann Santos sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *