Thursday , December 19 2024
Coco Martin Alden Richards
Coco Martin Alden Richards

Victor Magtanggol ni Alden, sisibakin na; ‘Di pa rin makaalagwa sa AP

HABANG isinusulat namin ito’y in-exhaust namin ang dalawang paraan para kontakin ang GMA CorpCom kaugnay ng balitang sisibakin na sa ere ang Victor Magtanggol sa November.

Hindi kaila na ginastusan at walang dudang pinagbubutihan ng bida roon na si Alden Richards ang panggabing programa’y sisinghap-singhap pa rin ito pagdating sa ratings.

It’s a reality sa daigdig ng telebisyon. Kahit gaano pa kasi kaganda o kaibig-ibig ang isang panoorin ay walang garantiya na kakagatin ito ng mga manonood.

Pero sa kaso ng VM, in fairness ay aware ang produksiyon nito sa simula’t simula pa na pader ang kanilang napiling banggain, ang FPJ’S Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Dapat sana, sa tagal nang umeere nito’y kinasawaan na ito ng publiko pero hindi pa rin ito mabitaw-bitawan ng viewers. Maraming factors kung bakit malayo pa itong pagsawaan.

From the very start, walang pretensiyon ang GMA na makakabog nila ito. Theirs is an alternative show na kung susuwertihin ay baka makasilat.

Pero hindi nga ganoon ang nangyari. Ipinasok na’t lahat ang mga Sangre sa Encantadia pero hindi pa rin umubra ang kanilang kapangyarihan na makaungos o pumantay man sa tinatamasang ratings ngAP.

Hence  balita ngang hanggang November na lang ang VM.

Kagyat kaming nag-text at tumanggap sa taga-GMA CorpCom wanting to get the side of the management. Makaraan ng ilang oras ay nag-text back sa amin si Marian Domingo.

Aniya, wala pang opisyal na abiso mula sa production, pero tuloy-tuloy pa rin ang taping ng VM.

Balitang kasado na ang papalit sa VM. Ito ‘yung kina Dennis Trillo at Mr. Dantes na ewan kung TV adaptation ng klasikong pelikula noon nina Christopher de Leon at Phillip Salvador.

Obviously, mukhang heavy drama na may kasamang action ang tema nito. Magandang ipantapat head-on sa AP na lahat ng mga element ay naroon pero mas nangingibabaw pa rin ang mga maaaksiyong tagpo.

Kung ang AP at ang kina Trillo-Dantes ang magkakasagupaan, in a way ay patas ang laban. Dalawang binansagang Primetime King ng magkalabang TV network ang magpapambuno sa ratings.

Pareho ring materyal ito na mula sa pelikula na in-adapt for TV.

Dito na talaga magkakasu­katan kung kaninong puwersa ang mas mananaig.

Parang eleksiyon lang sa Metro Manila ang peg.

At pahabol para kay Alden, talagang he cannot have it all. Sinumang artista’y dumaranas din ng kanyang share ng kabiguan sa career.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *