TATLONG lalaki ang patay makaraan pagbabarilin ng naka-bonnet na mga suspek habang bumabatak umano ng ilegal na droga ang mga biktima sa isang kubo sa San Pablo, Laguna, nitong Martes.
Ayon sa ulat, sinasabing posibleng onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay kina Jesus Cuevas Carabio, Henry Royo Rubina at Ramon Malones.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, limang suspek ang bumaril sa mga biktima. Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com